ni Ronalyn Seminiano Reonico | March 7, 2021
Napagkasunduan ng mga Metro Manila mayors na ipagbawal pa rin ang operasyon ng mga sinehan at arcades dahil sa patuloy na pagdami ng kaso ng COVID-19 sa isinagawang pagpupulong noong Sabado, ayon kay Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chairman Benhur Abalos.
Aniya, "Metro Manila Mayors will have one policy, one voice as far as Metro Manila is concerned. Movies, arcades, cinemas, will be suspended temporarily because of this upsurge.
“Importante talaga rito ay 'yung back to basic, it’s the minimum health protocols, ito ’yung face shield, mask, specially distancing and of course, ‘yung paghuhugas ng kamay. These 3 things could make a lot of difference, napakaimportante po nito.”
Ayon din kay Abalos, susuriin pa ng mga opisyal ng pamahalaang lokal ang sitwasyon kaugnay ng pagdami ng kaso ng COVID-19 sa rehiyon sa loob ng 3 hanggang 4 na linggo bago magdesisyon kung kailan muling papayagan ang operasyon ng mga naturang establisimyento.