ni BRT | April 20, 2023
Nanindigan ang Department of Information and Communications Technology na walang extension ang April 26 SIM registration deadline.
Sa isang pahayag, sinabi ng DICT na natanggap na nila ang mga kahilingan ng mga telcos na palawigin ang SIM registration period gaya ng nakasaad sa SIM Registration Act.
Sa natitirang pitong araw, wala pa umanong plano ang nasabing departamento na i-extend pa ang deadline nito.
Ang pagkabigong magparehistro ay magreresulta sa pag-deactivate ng mga SIM.