ni Jasmin Joy Evangelista | November 4, 2021
Patay ang lahat ng sakay ng isang cargo plane matapos nitong mag-crash sa Siberia.
Ayon sa Russian federal aviation agency na Rosaviatsiya, ang Antonov An-12 plane ay ino-operate ng Belarussian company na Grodno.
Siyam na katao ang sakay nito na nagpaikot-ikot umano bago nawala sa radar at bumagsak sa lungsod ng Irkutsk, Siberia.
"The only thing we can see is that, unfortunately, everyone is dead," ani Igor Kobzev, regional governor ng Irkutsk.
Ayon pa sa Belarussian authorities, ang mga tao sa cargo plane ay binubuo ng experienced na 3 Belarussians, 2 Russians at 2 Ukrainians, at wala rin umanong sakay na cargo.
Sinabi rin ng Russian prosecutors na mayroon pang 2 pasaherong nakasakay sa nasabing cargo plane ngunit hindi sinabi kung ano ang nationality ng mga ito.