top of page
Search

ni Janiz Navida @Showbiz Special | Mar. 23, 2025



Photo: Sen. Imee Marcos - Kamuning Bakery Cafe


HINDI lang pala ang magkapatid na sina Direk Lino Cayetano at Sen. Alan Peter Cayetano ang hindi nag-uusap ngayon dahil sa pulitika.


Sa ginanap na Pandesal Forum kahapon sa Kamuning Bakery owned by our colleague na si Wilson Flores, inamin ng guest speaker na si re-electionist Sen. Imee Marcos na matagal na rin pala silang hindi nag-uusap ng kanyang nakababatang kapatid na si Pangulong Bongbong Marcos, Jr..


“Nahihirapan na ako. Matagal na siya (hindi sila nag-uusap). Bago pa siya umupo, medyo nagkakaroon na ng tensiyon dahil feeling ko, hinaharang ako. Marami silang sinasabi, ganu’n.


“At matagal na rin kaming hindi nag-uusap. Nu’ng pinipilit ko (na kausapin si PBBM), naka-ilang beses din kami na nakapag-usap, parang wala namang nangyayari kaya napipilitan ako,” pag-amin ng senadora na “frank” at “fearless” kung ilarawan ni Sir Wilson.


Nagsimula nga raw ito nu’ng bago pa maupong pangulo si BBM at lalo pang lumaki ang tensiyon dahil sa “pagpasok at pagtutok” ni Sen. Imee sa ilang national issues na napunta sa kanyang hinahawakang komite sa Senado tulad ng People’s Initiative, Maharlika funds, RCEP (Regional Comprehensive Economic Partnership), suhulan sa pekeng signature para mapalitan ang Saligang Batas, impeachment kay VP Sara Duterte at pinakahuli nga itong ilegal na pag-aresto kay dating Pangulong Rodrigo Duterte ng ICC.


“Alam po ninyo, nu’ng umalis si Presidente Duterte, wala akong naaalalang iba kundi ‘yung ama ko. Kaya malalim ang hugot ko po. Hindi dapat na sinumang Pilipino ay palayasin sa kanilang bansa at dalhin sa ibang lugar, hindi tama ‘yun. Alam naman natin, ipinaglalaban natin,” diretsong pahayag ni Sen. Imee.


Naniniwala raw siya na may naging mali sa proseso ng pag-aresto kay ex-Pres. Duterte kaya nga raw nagkaroon ng hearing sa Senado para rito nang sa gayon ay maimbestigahan at malaman nila kung may mga nalabag nga bang batas sa nangyari.


Dagdag pa niya, habambuhay siyang nagpapasalamat kay ex-P-Du30 dahil sa pagpapalibing sa kanyang amang si dating Pangulong Ferdinand Marcos, Sr. sa Libingan ng mga Bayani.


Sa apat na pangulo nga namang dumaan, tanging si Digong lang ang nanindigang maipalibing si Marcos sa kabila ng pagtutol ng karamihan.  


Pero kahit bukas sa pagtutol sa ilang nangyayari ngayon, idiniin naman ni Sen. Imee na wala siyang balak sirain ang administrasyon ng kanyang kapatid na pangulo.

“Wala talaga akong balak sirain ‘yung administrasyon ng kapatid ko. Talagang tinitiis ko sa mahabang panahon. Hinayaan ko.”


Aniya pa, “Yes, I’ve tried very hard to maintain the relationship but it seems that we are being torn apart by many personalities and forces that have their own agenda.”


Diretsahan naming tinanong si Sen. Imee kung may pagsisisi ba sa parte niya na naging pangulo ang kanyang nakababatang kapatid kaya nalagay sa ganitong sitwasyon ngayon ang relasyon nila.  


Sagot niya, “Hindi ako nagsisisi sa ganyan, eh. Nagpapaumanhin ako, pero ‘yung sisi, wala ka namang sisisihin kundi sarili mo, eh.”


Paliwanag pa nito sa nagtanong kung sino ang dapat magtampo sa kanilang magkapatid, “Sa pamilya namin, kasi mga Marcos kami, ‘no, laking-sundalo, ‘yung tampuhan, isinasantabi, ‘yung sama ng loob, ‘yung pagsisisi, the soldier is on. Gawin mo lang ‘yung tama. ‘Yung mali ay mali, ‘wag kang manghihina, ‘wag kang susuko. Laban lang!”

So, ‘yun na!


 

Miss Universe, shocking ang two-piece…

“BIYAK” NI MICHELLE DEE, NAG-HELLO SA FASHION SHOW


MAY nakita kaming post sa Facebook ng whole body shot ni Miss Universe-Phils. 2023 Michelle Dee na kuha sa nakaraang Bench Body of Work Fashion Show, kung saan suot ang kanyang black two-piece underwear ay halos naghe-hello (read: kumakaway) na ang “biyak ng rosas” ng beauty queen sa sobrang nipis ng kanyang undies.


Sa malayuan habang rumarampa si Michelle ay hindi masyadong agaw-pansin at masagwa ang kanyang suot at mapapa-“Wow!” ka na lang sa kaseksihan nito.


Pero sa malapitang tingin na tinamaan pa ng ilaw, parang nagtitinda nga ng “bibingka” ang beauty queen na super confident habang nakataas pa ang kanyang dalawang kamay.


Napapaisip tuloy kami kung naging sobrang obyus ba ang “biyak ng rosas” ni Michelle dahil sa liwanag o may nag-edit lang ng photo nito para maging masagwa ang hitsura?

Well, hindi pa namin alam kung nakita na rin ba ni Michelle ang naturang photo niya na umaani na ngayon ng maraming reactions sa Facebook, pero sana, magawan agad ng aksiyon dahil unfair naman para sa beauty queen-endorser kung edited at gawa-gawa lang pala ang naturang photo.


 
 

ni Janiz Navida @Showbiz Special | Mar. 22, 2025



Photo: Jojo Mendrez Mediacon - Bulgar


Diretsahang inamin ng The Revival King na si Jojo Mendrez sa ginanap na mediacon niya kahapon para sa kanyang latest single na Nandito Lang Ako na aware siya sa kumakalat na kissing photo nila ngayon ng StarStruck Male Survivor na si Mark Herras.


Kung matatandaan, unang pumutok at pinag-usapan ang pagkaka-link ni Jojo sa aktor-dancer matapos silang makitang magkasama sa Okada Casino Hotel at nakunan nga ‘yun ng mga larawan na siyang pinagpiyestahan sa social media.


Idinenay na rin noon ni Jojo na may relasyon sila ni Mark, and this time, wala raw halikan na namagitan sa kanila ng aktor kaya maaaring edited umano o produkto ng AI (artificial intelligence) ang naturang kissing photo nila.


Bagama't hindi naman itinanggi ni Jojo na talagang friends sila ni Mark na nag-umpisa pala nang magpunta ito sa pag-aari niyang hotel sa Lucena City. May show daw si Mark noon at sa hotel na pag-aari niya nag-stay.


At dahil kulang siya ng kitchen staff that time, siya pa nga raw ang nag-prepare ng kinain ni Mark doon. At du'n na nga nag-start ang friendship nila bago pa ang sightings sa kanila sa Okada.


Samantala, no comment si Jojo Mendrez sa isyung may bisyo si Mark kaya dumistansiya na siya rito at si Rainier na nga ang bago niyang “BFF” na nanorpresa sa kanya sa mediacon niya kahapon kaya naging emosyonal siya nang yakapin ang aktor.


Bagama't marami raw malicious stories na lumalabas sa kanya online tulad ng kissing photo nila ni Mark, ayaw na raw niyang magdemanda pa dahil waste of time and money lang. 


Focused daw muna siya ngayon sa kanyang career kung saan after Nandito Lang Ako, sunod naman niyang ire-record ang revival ng Tamis ng Unang Halik, I Love You Boy at Pare, Mahal Mo Raw Ako.


 


Marami sa mga nakapanood ng mga entries sa Puregold Cinepanalo Film Festival na ginaganap ngayon sa Gateway Mall sa Cubao ang nagsasabing “dasurv” nina Khalil Ramos at Ruby Ruiz ang kanilang Best Actor at Best Actress award para sa Olsen's Day at Tigkiliwi respectively.


Sa 24 full-length films na ipinalabas sa Puregold Cinepanalo Filmfest, tanging Olsen's Day lang ang napanood namin na pinagbidahan ni Khalil kasama si Romnick Sarmenta.


Hindi man acting piece ang role ni Khalil, masasabi namang magaling ang very natural acting niya sa movie kaya may ‘K’ siyang manalo.


May nakausap kaming nakapanood ng Tigkiliwi at tuwang-tuwa rin kay Ruby Ruiz na magaling din naman talagang aktres.


Anyway, ginanap na nga ang Puregold Cinepanalo Filmfest Awards Night last Wednesday at narito ang list of winners:


BEST FILM: Salum (T.m. Malones)

Student Shorts: Champ Green (Clyde Cuizon Gamale)


Puregold Always Panalo Film:

Full-Length: Journeyman (Christian Paolo Lat and Dominic Lat) and Fleeting Catsi CM Catalan)

Student Shorts: Sampie (Ira Corinne Esquerra Malit) 


BEST DIRECTOR: 

Full-Length: JP Habac  (Olsen’s Day)

Student Shorts: Vhan Marco Molacruz (Uwian)


BEST ACTRESS:

Full-Length: Ruby Ruiz  (Tigkiliwi)

Student Shorts: Geraldine Villamil (Uwian)


BEST ACTOR:

Full-Length: Khalil Ramos (Olsen’s Day) and JP Larroder (Tigkiliwi)

Student Shorts: Lucas Martin (SamPie) and

Jasper John (Dela Cruz, Juan P.)


SPECIAL JURY PRIZE:

Full-Length: Tigkiliwi (Tara Illenberger)

Student Shorts: Dela Cruz, Juan P. (Sean Rafael  Verdejo) 


AUDIENCE CHOICE:

Full-Length: Co-Love (Jill Singson Urdaneta)

Student Shorts: Sisenta! (Mae Malaya)


BEST SUPPORTING ACTRESS:

Full-Length: Gabby Padilla as Marlin (Tigkiliwi)

Student Shorts: Uzziel Delamide (Uwian)


BEST SUPPORTING ACTOR:

Full-Length: Jeffrey Jiruma (Tigkiliwi)

Student Shorts: Sol Eugenio (Champ Green)


BEST ENSEMBLE:

Full-Length: Tigkiliwi (Tara Illenberger)

Student Shorts: Sine-Sine (Roniño Dolim)


BEST SCREENPLAY:

Full-Length: Tara Illenberger (Tigkiliwi)

Student Shorts: Clyde Cuizon Gamale (Champ Green)


BEST CINEMATOGRAPHY:

Full-Length: Dominic Lat (Journeyman)

Kara Moreno (Olsen’s Day)

Student Shorts: Lance Lascano (Dan, En Pointe)


BEST PRODUCTION DESIGN:

Full-Length: Kyle Fermindoza (Salum)

Student Shorts: Andrea Jayne Perang (Uwian)


BEST MUSICAL SCORING:

Full-Length: Armor Rapista (Salum)

Student Shorts: Len Calvo  (Uwian) 


BEST EDITING:

Full-Length: Vanessa Ubas de Leon (Co-Love)

Student Shorts: Jose Andy Sales (G!) 


BEST SOUND DESIGN:

Full-Length: Fatima Nerikka Salim and Immanuel Verona (Salum)

Student Shorts: Elian Idioma (Dela Cruz, Juan P.)


BEST ORIGINAL SONG:

Full-Length: “DI KO PINILI” by Kiko Salazar, performed by Chie (Co-Love)

Student Shorts: “Suga, Camera, Saad” by Jonathan Rey Sartorio and Lloyd Martin Villacortes Arce, performed by Jonathan Rey “ROTT” Sartorio (Sine-Sine) 


BEST IN BRAND INTRUSION:

Full-Length: Journeyman (555 Sardines and Lucky Me!)

Student Shorts: Champ Green (Bear Brand), G! (Chuckie) 


BEST POSTER:

Full-Length: Journeyman by Christian Paolo Lat and Dominic Lat

Student Shorts: Checkmate by Alexie Nicole Pardo


SPECIAL AWARDS  


BEST IN PROMOTIONS:

Student Shorts: Checkmate by Alexie Nicole Pardo

Taympers by Naiah Nicole Mendoza


RESPONSABLENG PAGLIKHA (from MTRCB);

Full-Length: Journeyman

Student Shorts:

Dan, En Pointe by Adelbert Abrigonda

Sine-Sine by Roniño Dolim

1… 2… Strike!!! by Kenneth Flores 


MOWELFUND Special Citation:

Full-Length: Olsen’s Day

Student Shorts: Champ Green


INTERNATIONAL JURY Special Citation: Journeyman by Christian Paolo Lat and Dominic Lat


Congratulations to all and cheers! Patuloy lang sa paglikha ng mga makabuluhan at panalong kuwento!


Congrats din kay Sir Chris Cahilig na Festival Director ng Puregold Cinepanalo Film Festival at sa pamunuan ng Puregold na nasa likod ng tagumpay ng mga pelikulang ipinalabas.

 
 

ni Janiz Navida @Showbiz Special | Mar. 21, 2025



Photo: Kathryn Bernardo - IG


 

Inamin ni Kathryn Bernardo sa ginanap na mediacon ng PGT Season 7 na sa edad niyang magtu-29 na sa March 26, nagpaplano na rin pala siyang mag-solo at magkaroon ng sarili niyang bahay.


Natanong kasi si Kathryn tungkol sa women empowerment kasabay ng pagdiriwang ng National Women’s Month ngayong March.


Dito nga nabanggit ni Kathryn na “I'm at the point in my life again wherein I feel so lost.”


Parte raw siguro ito ng paggo-grow niya at pagma-mature kung saan dumaraan siya sa quarter life crisis.


“To be honest, I'm so scared, I'm so lost but I think it's so brave na everyday, I show up just like what Donny said kanina, I show up and I choose to grow and accept all the uncertainties because I don't know, bigla ko lang siyang na-feel na of course after Hello, Love, Again and now I'm doing PGT. Pero, may feeling lang ako na parang iba. And I think siguro, birthday blues na ‘to. May quarter life crisis na parang what's next for me?


“Parang feeling all these emotions, so feeling ko, it's just brave na tinanggap ko ‘yun. I'm allowing myself to be vulnerable.”


Dagdag pa niya, “So now, I think part of me growing is me getting my own place as well. And I think it's like my transition stage. I'd like to call this my transition stage na feeling ko kasi in the next coming years, it's very, very important kasi ‘yun ‘yung magdi-dictate kung saan ako sa future.


“It's not na parang okay I'm in my early 20s, ito pa ang dami ko pang time para matuto. Pero ngayon, parang iba pala ‘pag magtu-29. So I'm feeling that. So feeling ko, getting my own place, it's a big adjustment for me, my family, especially my mom. But it's my way of getting to know myself more and growing.”


May takot man daw kung kakayanin niya ang pagiging independent at mag-isa sa bahay, open na siya ngayon sa lahat ng possibilities para sa kanyang growth.

 “So wish me luck in the coming months. I'm just accepting and I just wanna feel everything,” sabi pa ni Kathryn na in fairness, habang nagma-mature, lalong pa-blooming nang pa-blooming at super-sexy, ha?


May dapat talagang manghinayang! Hahaha!


 

EXCITING ang Season 7 ng nagbabalik na Pilipinas Got Talent hindi lang dahil may mga bago na namang Pinoy talents na madi-discover dito kundi marami rin ang nag-aabang at curious sa tatlong bagong judges na makakasama ng original judge na si Mr. Freddie M. Garcia (FMG).


Sa PGT Press Edition pa nga lang (kung saan isa kami sa apat na naging contestants na nag-perform) na ginanap last Wednesday sa Dolphy Theater, ang saya-saya na at talagang tinutukan ang mga comments at sasabihin ng mga bagong judges na sina Eugene Domingo, Donny Pangilinan at Box Office Queen Kathryn Bernardo.


May kani-kanyang karakter ang mga bagong hurado ng PGT, pero puring-puri sila ni FMG na bilib na bilib sa pagiging dedicated at passionate ng tatlo sa kanilang bagong task.


Pag-amin ni Uge (palayaw ni Eugene), bilang hurado, ang hinahanap niya sa isang kalahok bukod sa exceptional talent nito ay ‘yung masarap panoorin at mag-e-enjoy siya.


Sabi naman ni Kathryn, “uniqueness” ang hanap niya na kahit 5 yrs. na raw ang lumipas ay hindi pa rin niya makakalimutan ang performance at maa-amaze pa rin siya kapag pinanood niya uli.


Ang heartthrob na si Donny, eto naman ang hanap sa mga kalahok, “Kung gaano ba kalala ‘yung fire nila.”


Pinakamahirap i-please si FMG dahil sa seven years nga ng PGT, nakita na raw niya ang lahat ng klase ng talent. Kaya ang hanap niya this time, ‘yung may “wow factor” talaga at ‘yung mapi-feel niya na “eto na ‘yun!”


Hindi naman nagpahuli sa galing ng mga judges ang mga hosts na sina Robi Domingo at Melai Cantiveros na may kani-kanya ring ambag para mas maging exciting ang PGT Season 7, lalo na si Melai na talagang comedy ang hatid kahit kelan.


Nandiyan din para magdagdag ng saya bilang mga online hosts naman sina Lorraine Galvez and Wize Estabillo.


This March 29 & 30 na ang pagbabalik ng Pilipinas Got Talent at mapapanood every Saturdays at 8 p.m. and Sundays at 8:30 p.m. sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, A2Z and TV5.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page