top of page
Search

RIN KALULUWA KUNG MANAMIT.


ni Janiz Navida @Showbiz Special | August 28, 2021




Hindi nakakatuwa ang pagtatanggol ng ilang Sharonians sa kanilang idolong Megastar na si Sharon Cuneta kung ang panganay na anak naman nitong si KC Concepcion ang dudurugin nila sa social media.


Nakakaloka ang ilang comments na nabasa namin sa isang IG post ni Ate Shawie kung saan nagkaroon ng diskusyon ang mga netizens kung bakit parang mas love raw ng Megastar si Frankie kesa kay KC, base na rin sa mga emote ngayon ng singer-actress na sobra siyang nalulungkot sa pag-alis ng anak nila ni Sen. Kiko Pangilinan para ipagpatuloy ang pag-aaral sa New York.


Tanong-comment ng netizen na si nikki_anfone sa latest IG post ni Mega, "I mean no disrespect Ms. Sharon, I'm a Sharonian 100% and bec of this, I've come to love KC as well. I'm just wondering why KC is always excluded in your closely-knit fam? You mention everyone except her... Just wondering?"


Isa sa mga nag-reply sa comment ni nikki_anfone si oneheart0028 at sagot nito sa comment ng isa pang netizen na si @rosy_0317 na nag-reply din kay nikki_anfone (published as is), "You talk as if alam mo nangyayari sa kanila.. Di ba si sharon nagpalaki sa kanya. Di ba si Sharon nagpaaral, di ba nagtrabaho siya na parang kalabaw for herself and KC after the separation, Di ba si Sharon invited KC to bring her suitors sa ahay nila. PINAGLUTO pa mi Sharon mismo. Teka ilan ma ba pinakilala ni KC sa mama niya. Ilan BF na ni KC ang sumama pa sa family vacations nila sa thailand, japan. Ilan anh kasama sa Christmas and New Years eve salu salu nila...


"Siguro kunv masama si Sharon di siya pumayag ng ganoon. Yung manamit si KC na parang sadyang pi apakitq yung ano niya. Kung nanay ka di ba pwedeng pagsabihan

"Where was KC when si sharon binatikos ng below the belt. Palaging silent. Si sharon defendef Kc nung issue about Piolo. Ayun , sa nanay pa nagalit....

"Natuwa naman mama when sila ni Pierre. Anonv nangyari. Nag sama pa yung dalawa sa paris, US at dito sa manila. Ayun kasama ulit sa Xmas celebration. Tapos ano, wala na naman.... Bakit walang tumatagal na lalaki sa kanya kung matino at ok siya... And NOW, gusto niyonv ipalabas na si Sharon pa may pag kukulang.... The kni ea she has iswd to nreak her Moms heart are more hurting. Kaya di rin masisi si sharon na laging pinupuri ana."


Sabi naman ni cuneiform_me, "@rexvien correct. Noon pareho sila nasa Philippines ng nanay niya, halos magkalapit lang mga Condos nila, pero never, never niya madalaw o bisitahin man lang ang Nanay niya! masama ugali, ibang klaseng anak yan…kaya niya tiisin ang Nanay niya… fan ako nila pero iba na ugali ni KC… parang masaya siya that she’s hurting her morher’s feelings…(by d way blocked ako sa IG ni KC, why? I just mentioned her Mom… grabe diba.. tsk tsk.."


'Kalokah! Kung totoong mga fans sila ni Sharon Cuneta, tama bang pagsalitaan nila nang masama ang mismong anak nito kesehodang may mga pagkukulang si KC sa nanay niya?


Kung meron mang unang-unang masasaktan sa mga pumipintas kay KC, si Sharon 'yun!

Ewan lang kung nabasa na ng Megastar ang mga pinagsasabi nila laban kay KC. Let's wait and see kung ano'ng magiging reaksiyon nito.

 
 

ni Janiz Navida @Showbiz Special | August 27, 2021




Mukhang pansamantalang titigil at mananahimik na si Janus del Prado sa mga patutsada niya kay Gerald Anderson, na in fairness, tahimik lang din at hindi na pinatulan ang BFF ng kanyang ex-GF, para siguro hindi na nga lumaki ang issue.


Sa latest Instagram post kasi ni Janus kahapon, sabi niya, "Tsaka na ako magpapaulan ulit ng tsaa 'pag ginamit na naman si B for promo."


Oh, ha? Siguro naman, alam na ni Gerald ang ibig sabihin ni Janus sa pagbabanta niyang 'yan kaya nga quiet na lang talaga ang BF ni Julia Barretto at sabi nga, let the issue die down naturally.


Less talk, less mistake. Ceasefire muna.


Oh, mga ka-BULGAR, change topic!


Ay, oo nga pala, don't forget to watch Ateng Janiz Navida sa aking daily online showbiz-oriented show, ang #CelebrityBTS Bulgaran Now sa BULGAR Facebook page every 3 PM, at tiyak, mabubusog na kayo sa latest, updated pa sa pinaka-fresh chika!


So, kitakits, mga minamahal kong chismosa! Charot!!!


 
 

ni Janiz Navida @Showbiz Special | August 24, 2021




Sweet and mellow mang magsalita, aminado si 4th District of Leyte Representative Lucy Torres-Gomez na nagagalit din siya.


At ano nga bang nakakapag-trigger ng galit ng byuting misis ni Ormoc Mayor Richard Gomez?


Well, pag-amin ni Congw. Lucy sa aming virtual chikahan last week, ayaw daw niya nang paulit-ulit.


Gusto niya, 'pag may sinabi siya kahit kanino, tatandaan para hindi niya na paulit-ulit na ipaaalala. Nakuha raw niya ang ugaling ito sa kanyang ama.


Pero ayon din sa kongresista, magalit man siya, hindi naman daw siya bayolente at nagger. Ang problema lang sa kanya, matagal bago humupa ang kanyang galit, unlike sa mister niyang si Mayor Goma na kapag nagalit daw sa staff nito, maya-maya lang o kinagabihan lang ay kausap o kainuman na ng aktor-pulitiko.


Kaya sabi ni Congw. Lucy, ngayong nasa pulitika na siya, 'yun ang gusto niyang matutunan, 'yung 'wag masyadong matagal dalhin sa dibdib ang galit.


Korek! Nakakatanda ang galit sa puso, kaya dapat, happy lang lagi, devah naman, Congw. Lucy?!


 
 
RECOMMENDED
bottom of page