top of page
Search

ni Janiz Navida @Showbiz Special | October 08, 2021




Samantala, kasunod ng pagpa-file ng Certificate of Candidacy ni Vice-President Leni Robredo kahapon para tumakbong pangulo sa 2022 national elections, lumutang naman ang usap-usapan na si Kris Aquino diumano ang makaka-tandem niya para mag-VP.


Nabasa namin ang post ng ABS-CBN news anchor na si Julius Babao sa Twitter na nagtatanong kung ano raw ang opinyon ng mga netizens sa balitang ito.


Ilan sa mga comments na natanggap ni Papu Julius (naki-Papu raw kami, oh, Mamu Tin Bersola-Babao! Hehe!) ay ganito ang sinasabi…

"Kris is NOT perfect. She has her faults. But she is still an AQUINO. An Aquino is never corrupt. An Aquino knows when to step down from power. No Aquino became abusive. She has the blood of Ninoy and Cory in her veins. Why not? Never nagprisinta sa kapangyarihan ang mga Aquino."


"My personal view is 'wag na si Kris, we know she's intelligent but she has health problems. What I request from her is her valuable support for VP Leni. My personal choice as VP is Roxas if he still interested in politics. We need someone like him to assist in our economic recov.

"I think this is not a strategic choice. Kris should just campaign for VP. Her influence will be of great help. And besides she's not physically fit for the job. I don't think she will enter politics. I hope not.

"Compared to other VP candidates, Kris way better than them."

"I'm solid Cory & PNoy, but not her. She's a different species of Aquino."


Species talaga, oh! Sabeeeee?!

 
 

ni Janiz Navida @Showbiz Special | October 03, 2021




Na-watch namin ang latest YouTube vlog ni Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach titled Pia Life Update: Finally Answering Your Questions! Part 2.


'Kaaliw palang panoorin si Pia dahil kahit beauty queen ito, may pagka-masa pa rin at ramdam mong hindi siya 'yung tipong pasosyal.


Isa sa mga tanong ng fans na sinagot ni Pia ay 'yung paano siya nagko-cope up sa mga nambu-bully sa kanya dahil sa laki ng kanyang boobs.


Kuwento ni Pia, nu'ng nag-aaral pa siya, conscious siya sa hindi normal na laki ng kanyang hinaharap kaya kahit sinasabihan siyang 'blessed' ng mga kaibigan niya ay hindi siya komportable.


Pero habang nagma-mature raw siya ay natutunan na rin niyang tanggapin kung ano'ng ibinigay sa kanya ni Lord, kaya ngayon, dedma na lang siya kahit ano pang sabihin ng ibang tao sa kanyang bumpers.


Samantala, kinilig naman kami sa isang part ng vlog kung saan biglang sumulpot ang super-guwapong Scottish-Colombian boyfriend ni Pia na si Jeremy Jauncey.


Grabe 'yung lagkit at tamis ng tinginan nila nang mag-eye-to-eye habang magkatabi sa sofa. Mapapa-sana all ka na lang talaga dahil ramdam mong in love talaga sila sa isa't isa.


Natawa lang kami nu'ng magbiro si Jeremy kay Pia ng, "Whose the video again to?"

Sagot ni Pia, "It's for my vlog."


Hirit ni Jeremy, "The vlog. Hmmm. You gonna share some of that ad sense dollars with me?" sabay mabilis na taas ng mga kilay at turo sa gilid ng kanyang ulo na parang sinasabing kailangan ay utakan at dapat siyang bigyan ni Pia dahil part siya ng vlog nito.

Sagot ni Pia kay Jeremy, “Umalis ka na nga. You can go now!”


Hahahahaha! Negosyanteng-negosyante talaga ang BF ni Pia!


Pero in fairness, bagay talaga sila at perfect couple!

 
 

SI DAWN PANG-ASAR KAY SHARON.


ni Janiz Navida @Showbiz Special | September 26, 2021




Naku po, may bago na namang inaabangan ang mga ShaGab fans — ‘yan ay ang magiging reaksiyon ni Megastar Sharon Cuneta sa latest Instagram post ng kanyang ex-hubby na si Gabby Concepcion.


Nu’ng September 24 kasi, a day after ng anniversary ng church wedding nina Sharon at Gabby nu’ng Sept. 23, 1984, nag-post ang Papa Gabs ni KC Concepcion sa kanyang IG ng video clip ng mga throwback photos nila ni Dawn Zulueta na naging leading lady niya noon sa ilang movies.


Caption ni Gabo sa video clip, “Leading ladies are hard to find. @dawnzulueta @itsdawnzulueta with matching hashtags na #class at #elegant.


Na-hurt ang mga solid ShaGab fans dahil instead si Sharon ang binati ni Gabby, si Dawn ang pinuri nito.


Comment tuloy ng isang fan ng ex-sweethearts, “Ano ba ‘yan, idol, parang suntok sa mga ShaGab ang ipinakita mong clips or video, sana bukas na lang ‘yan.”


Sabi naman ng isa pa, “Ginamit mo pa si Dawn para mang-asar! Nge!! BTW, happy 37th wedding anniversary.”


May nagtanong din kay Gabby na ayaw ba niya sa hashtag na “vampire” na hashtag ng isang dating post ni Sharon kung saan proud ang Megastar na hindi siya tumatanda kaya mala-vampire raw siya.


Tapos, may nang-intriga rin na “Change partner ba ito?” dahil oo nga naman, ex ni Dawn si Richard Gomez na naging boyfriend din ni Sharon na ex-wife naman ni Gabby.


Hahaha! So, ‘di pala sina Derek Ramsay, Ellen Adarna, John Lloyd Cruz at Andrea Torres ang ‘orig’ sa galawang ‘exchanging partner’.


‘Yun na!

 
 
RECOMMENDED
bottom of page