top of page
Search

ni Janiz Navida @Showbiz Special | March 13, 2022




Tiyak na may bagong pagpipiyestahan ang mga Marites sa hiwalayang Carla Abellana at Tom Rodriguez matapos sabihin ng tatay ng aktres na si Rey PJ Abellana sa panayam sa kanya ni Ninang Cristy Fermin sa YouTube show nitong Cristy Ferminute na nakipag-one-night stand ang mister ng kanyang anak.


Kung matatandaan, nang unang pumutok ang balitang hiwalay na sina Carla at Tom tatlong buwan matapos silang ikasal, ang unang kumalat na bulung-bulungan ay na-caught in the act umano ni Carla ang mister na may ibang kalambutsingan.


Nadamay pa nga ang pangalan ng Kapuso actress na si Kelley Day na nakasama ni Tom sa nakaraang serye nila nina Alden Richards at Jasmine Curtis-Smith.


Sa panayam kay Rey PJ ni Ninang Cristy, inamin niyang kinausap na siya ni Tom sa problema nila ni Carla at nagpaliwanag ito. Ang anak pa nga raw niya ang ayaw pa ring makipag-usap sa kanya hanggang ngayon para sabihin kung ano ang totoong problema.

"Nanggigigil ako sa anak ko, eh, ayaw mag-open up," sabi ni Rey PJ na kilala namin sa pagiging totoong-totoo at hindi "showbiz" na tao.


Sa tanong nga ni Ninang Cristy tungkol sa third party na dahilan daw ng hiwalayan, sabi ni Rey PJ, "Hindi po natin mako-consider na third party ang sitwasyon. Kasi po ang pangyayari, eh, one-night stand, eh. So, hindi po natin kino-consider 'yun na third party."

Awww! Kaya ang tanong ngayon ng mga Marites, sino ang naka-one-night stand ni Tom?! Hala!

Pero dagdag pa ni Rey PJ, naiintindihan niya si Tom dahil nangyayari raw talaga 'yun sa buhay ng mga lalaki tulad din niya nu'ng kabataan niya.


"Naiintindihan ko po 'yan. Ang nangyari sa tukso ay hindi po mortal sin, para sa akin. Bilang isang totoong tao, natural sa buhay 'yan."


Hindi rin naman daw maituturing na krimen ang ginawa ni Tom para ikulong.


Samantala, tinanong din ni Ninang Cristy si Rey PJ sa duda ng ilang netizens na bading daw si Tom at baka ito raw ang natuklasan ni Carla kung kelan kasal na sila.


Sagot ng aktor, hindi siya naniniwala na bading ang kanyang manugang lalo't 7 yrs. munang naging mag-BF-GF ito at si Carla. Imposible naman daw na sa haba ng panahong 'yun ay hindi nalaman ni Carla kung totoong bakla si Tom.


As we write this, hindi pa namin alam kung ano ang reaksiyon ni Carla sa mga sinabi ng kanyang ama, pero for sure, nawindang din ito sa mga rebelasyon ni Rey PJ Abellana.

 
 

ni Janiz Navida @Showbiz Special | October 11, 2021




Ano kaya ang nararamdaman ngayon ni Manila Mayor Isko Moreno na 'yun sanang inaasahan niyang mga kasamahan sa industriya ng pelikula na susuporta sa kanya sa pagtakbong pangulo sa 2022 ay sila pang bumabanat ngayon sa kanya at isinusuka siya?


Nagsimula nga kasi ito nang banatan ni Yorme Isko ang kalaban niya sa pagka-pangulo sa 2022 na si VP Leni Robredo sa kanyang huling speech, kung saan sinabihan niyang "Fake leader with fake color is fake character," ang bise-presidente.


Isa ang aktres na si Ms. Rita Avila sa mga hindi nagustuhan ang banat ni Yorme Isko kay VP Leni, at talagang hindi ito nakatiis kaya ipinost ang saloobin sa kanyang Instagram account.


Caption ng kanyang IG post kung saan makikitang ini-repost niya ang naging pahayag ni Yorme Isko against VP Leni, "Ang babaw Yorme. 'Yan lang ang kaya mong isipin at sabihin? Kung hindi mo makita ang buti sa mga sinabi ni VP, kakahiya ka naman. "Maganda nga ang sinabi tungkol sa 'yo ni VP Leni. At ikaw din, maganda sinabi mo sa kanya nu'ng nakaraan. After a few days, ganyan ka na? Gollum lang? Paiba-iba ng mukha at sinasabi?

"At yellowtards pa talaga, ha? Ako nga, ayoko 'pag tinatawag ang mga DDS ng Dutertards kasi 'di naman dapat magpakababa ng pagkatao by calling them that just bec. DDS sila. Tao pa din sila.

"Pasensya na, ha? Pero salamat sa pagpapakita mo ng kulay. #mayoriskomoreno #dds #VPLeni #DapatSiLeni TALAGA."


Kasunod na ipinost ni Ms. Rita ang iba't ibang reaksiyon-comments ng mga netizens kaugnay ng kanyang unang post tungkol kay Yorme.


Caption naman niya rito: "Klarong-klaro naman mga Pilipino. Mayor Isko Moreno, aga mo namang pinahamak ang sarili mo. Pero salamat dahil nalaman agad namin ang pagkatao mo. "Buti talaga na 'di ako ang lumabas na nanay mo sa pelikula mo. Mahal ko ang direktor pero 'di talaga maganda ang kutob ko sa 'yo.

"Ipinagtanggol pa kita nu'ng siraan ka ng pangulo tungkol sa bold photos mo. Meron ka namang nagawang tama, kaso mas malakas ang tama mo.

"Pasensha na ulit. Sa tama at tutoo lang ako. #truecolors #mayoriskomoreno"


At isa pa uling larawan ni Mayor Isko habang nag-i-speech at nakasulat ang pagtawag nito ng "fake leader" kay VP Leni ang ipinost ni Ms. Rita Avila.


Caption ng post, "Ang tunay na ginto ay kumikinang. Ang tinubog lang ay lumalabas ang tunay na kulay.

"Sabi mo, fake si VP Leni. Wala pa s'yang nagawang kasinungalingan at papalit-palit ng mukha.

"Sabi mo, ang Otso Deretso ay inidoro, eh, kasama mo sa partylist si Samira Gutoc.

"OK, I have no more question, your Honor. #mayorisko #twofaced #rude #disrespectful sabi nga ng marami ay #trapo"


Wow, ang tapang ni Ms. Rita, ha?! Wooooooh!


In fairness sa aktres, kung ang mga tulad siguro niya ang tatakbo sa 2022, eh, finally, magkakaroon na tayo ng malinis na sistema ng gobyerno.


What do you think, mga Ka-Bulgar?


O, siya, samahan n'yo si Ateng Janiz mamayang 3 PM sa ating daily chikahan sa #CelebrityBTS Bulgaran Now online show na mapapanood sa BULGAR Facebook page.


Kaya i-like na ang aming BULGAR FB page para hindi kayo mahuli sa latest at ma-notify kayo agad-agad tuwing kami ay magla-livestream.


So, kitakits, ha?!

 
 

ni Janiz Navida @Showbiz Special | October 10, 2021




Ayun naman pala, humabol sa last day ng filing ng Certificate of Candidacy sina Robin Padilla at Mocha Uson na parehong nag-file kahapon ng kani-kanilang kandidatura bilang senador at partylist representative.


Of course, under PDP-Laban sina Robin at Mocha since DDS sila for life!


Aayaw-ayaw pa noon si Robin pero last minute, ‘di rin nakatanggi kina P-Du30 at Sen. Bong Go para tumakbong senador.


Si Mocha naman, bagama’t ipinagsisigawang hindi naman siya totoong nabuntis ni “Idol Robin” niya, eh, lakas-loob na kumandidato para maging partylist representative ng MOCHA (Mothers for Change).


Hmmm… Advocacy ba talaga niyang makatulong sa mga ina o naisip niya lang na swak sa acronym ng name niya ang “MOTHER FOR CHANGE”?


For sure hindi ang “IT TAKES ONE TO KNOW ONE” ang tagline ni Mocha sa pagtakbo niya dahil ipinagsisigawan nga niyang hindi pa siya ina at hindi siya totoong nabuntis, ‘no?!


So, mga mamsh, alam na!

 
 
RECOMMENDED
bottom of page