top of page
Search

ni Janiz Navida @Showbiz Special | May 25, 2023



Ilang araw nang viral ang isang video clip sa FB Reels kung saan ipinakita ni Kathryn Bernardo ang isang kamay na may suot na singsing habang kasama nila ng boyfriend na si Daniel Padilla ang isa sa mga best friends ng aktres na si Alora Sasam.


May title ang naturang video na "KathNiel engaged na," kaya naman nagtatanungan ang mga fans at netizens kung totoo bang nag-propose na si Daniel sa kanyang long-time girlfriend na si Kathryn.


Well, hindi naman ito ang first time na nabalitang engaged na sina Kathryn at Daniel.


Parang sina Coco Martin at Julia Montes lang na ilang beses nang napabalitang may anak na pero hanggang ngayon, wala naman tayong nakikitang baby.


So, hangga't hindi sa bibig mismo nina Kathryn at Daniel nanggagaling ang kumpirmasyon na engaged na nga sila, 'wag muna tayong umasa at maniwala.


Saka hindi naman mukhang engagement ring 'yung ipinakita ni Kathryn, 'no!


I'm sure sa tagal na nila ni Daniel, paghahandaan nang sobra ng aktor ang kanyang magiging marriage proposal kay Kathryn.

 
 

ni Janiz Navida @Showbiz Special | February 14, 2023


Tawang-tawa kami sa pagiging honest at prangka ng social media influencer-vlogger at ngayon ay TV star na ring si Toni Fowler na kasama sa cast ng FPJ's Batang Quiapo na nagsimula na ngang umere kagabi, Lunes, sa Kapamilya Channel, A2Z, TV5 at iba pang social media platforms ng ABS-CBN.


Nakasabay kasi namin ito sa pila nang magpa-antigen test kami bago ang mediacon ng Batang Quiapo last week.


Hindi pa nga namin agad nakilala si Toni dahil feeling namin ay pupunta lang ito sa mall sa kanyang outfit, although sexy siya kaya mapapalingon ka.


Nu'ng sinabi na ng kasama namin na si Toni Fowler pala ang nasa likod namin, dialogue ko sa kanya, "Ay, akala ko si Jelai Andres, magkamukha kasi kayo."


Nagulat kami sa sagot ni Toni na "Aaay, sabunutan ko kaya 'tong si ateh," na sa tonong nagbibiro naman.


Naintriga kami dahil 'di kami aware sa isyu nila ni Jelai kaya tinanong namin kung may away ba sila.


Ikinuwento naman ni Toni na aminado siyang may mali kay Jelai dahil naging dyowa nga niya ang mister nitong si Jon Gutierrez ng Ex-Battalion, pero nag-sorry na raw siya noon pa kay Jelai, kaso hindi siya mapatawad nito.


Kaya ang hirit namin sa kanya, "Ah, kaya ka pala nagustuhan ng dyowa ni Jelai, kasi nga magkamukha kayo."


Sagot niya, "Mas maganda naman ako kay Jelai," kaya kantiyaw namin sa kanya, hanap-away siya, ha?


At sa tanong kung paano kung one day, magkasalubong sila ni Jelai, aniya, hindi mangyayari 'yun dahil nasa GMA-7 si Jelai habang siya ay nasa ABS-CBN naman.


Hmmm, maliit ang mundo ng showbiz, 'no!


 


Maraming showbiz celebrities na into baking ang inimbitahan para dumalo sa gaganaping Bakery Fair 2023 sa March 2 to 4 sa World Trade Center Manila kung saan magkakaroon ng FCBAI Bakers Cup Wedding Cake Competition to be awarded on March 2.


Sa ginanap na mediacon kahapon kung saan dumalo ang mga officers ng Filipino Chinese Bakery Association, Inc. (FCBAI) sa pangunguna nina President Gerik Chua, past President Henry Ah and other officers, inisa-isa nila ang magaganap sa three-day event na ito na in fairness, every two years ginaganap at nu'ng mga nakaraang Bakery Fair, pinupuntahan daw talaga ng mga celebrities tulad nina Janice de Belen, Ara Mina, Jaime Garchitorena, Melissa de Leon at marami pang iba.


At sa gaganaping Bakery Fair 2023, iniimbitahan nila ang lahat ng baking, pastries and food enthusiasts para dumalo lalo't free naman ang entrance.


Ito ang pagbabalik ng Bakery Fair after four years mula nang magkaroon ng global pandemic at ito na rin ang inaasahang simula ng revival ng Philippine baking industry despite inflation and other challenges.


Para sa mga gustong magpa-pre-register for Free Entrance to the Bakery Fair 2023, follow the online link https://www.bakeryfair.ph


The biggest and most star-studded Philippine bakery event, Bakery Fair 2023 has 136 exhibitors covering 10,000 square meters or one hectare of the World Trade Center. There shall also be many educational technical seminars by different top bakery industry-related companies, bakers, chefs and experts.


Isa pang important event sa Bakery Fair 2023 ay ang Angel Cup 2023. The Angel Cup-Bread Display Competition highlights the making of Bread Showpiece, Artisan Bread, Healthy Bread and Sweet Dough with dough filling.


FCBAI is part of the Federation of Filipino Chinese Chambers of Commerce & Industry, Inc. (FFCCCII), the umbrella business and civic organization of 170 Filipino Chinese chambers of commerce and trade organizations from Aparri to Tawi Tawi.




 
 

ni Janiz Navida @Showbiz Special | February 13, 2023


"MAY kunsensiya pa ba siya?!" ang prangka at matapang na sagot ni Ms. Cherry Pie Picache sa ginanap na mediacon kahapon ng bago niyang pelikulang Oras de Peligro sa tanong namin kung bakit ayaw niyang magpadirek sa controversial director na si Direk Darryl Yap.


Nag-ugat ito sa unang tanong na kung willing ba siyang gumanap naman na dating First Lady Imelda Marcos kung sakaling inalok siya dahil nasabi rin ni Cherry Pie sa presscon na mga aktor sila at trabaho lang nilang gumanap sa iba't ibang roles.


"Depende. Kung maganda ang story, why not?" sabi pa ng magaling na aktres.

Pero sa tanong kung willing din ba siyang magpadirek kay Direk Darryl, big "NO" nga ang isinagot ni Ms. Pie.


Ganito ang eksena at tanungan sa mediacon kahapon ng Oras de Peligro dahil ang goal ng pelikula na mula sa Bagong Siklab Productions ay mailabas ang katotohanan sa nangyari nu'ng mga huling araw pagkatapos ng EDSA Revolution nu'ng 1986.


Pare-parehong naniniwala sina Direk Joel at mga bidang sina Allen Dizon at Cherry Pie na ang pelikulang Oras de Peligro ay malaking tulong para ituwid ang "disinformation" na nangyari raw noong mga panahong 'yun.


Bagama't aminado naman si Allen Dizon na political movie ang Oras de Peligro, 'di pressure para sa kanya ang pagtatapat nila sa mga sinehan sa March 1 ng Martyr or Murderer na tungkol naman sa buhay ng pamilya Marcos nang diumano'y palayasin sa 'Pinas.


Mas maganda nga raw na maingay ang movie para maibalik ang interes ng mga moviegoers sa panonood sa mga sinehan.


Samantala, matapang din ang binitawang pahayag ni Atty. Howard Calleja na producer ng Oras de Peligro na handa siyang mag-produce ng pelikula ni Imelda Marcos at kuning direktor si Direk Darryl Yap basta hindi raw ito kasinungalingan.


Oh, ha?! Ganu'n kakontrobersiyal ang movie kaya abangan na 'yan sa mga sinehan sa March 1 kung saan kasama rin sa cast sina Therese Malvar, Dave Bornea, Nanding Josef, Jim Pebanco, Marcus Madrigal, Elora Espano, Crysten Dizon, Rico Barrera, Timothy Casti


 

Valentine's Day, inunahan na… RAYMOND, PROUD NA IDINISPLEY ANG LIPS-TO-LIPS NILA NG BF




Tatlong araw bago mag-Valentine's Day, nagpaulan na ng kilig moments ang magdyowang Raymond Gutierrez at Robin William matapos mag-post ng video montage ang kakambal ni Richard Gutierrez sa kanyang Instagram account para batiin ng "Happy birthday" ang boyfriend.


Ang daming kinilig lalo na sa kissing nina Raymond at Robin na obviously ay super in love ngayon sa isa't isa.


Puro heart emojis ang nabasa naming comments ng mga celebrity friends ni Mond na obviously, happy for his coming out at kakaibang ligaya niya ngayon.


Well, naisip lang namin na siguro, na-inspire si Mond kay Vice Ganda na mas unang nanindigan in public sa relasyon nila ni Ion Perez at nagpakasal pa nga sa Las Vegas.


Kung d'yan happy si Mond, who are we para makialam, eh, nakiki-Marites lang naman tayo, 'no?!


 
 
RECOMMENDED
bottom of page