ni Julie Bonifacio - @Winner | September 11, 2021
Inilabas na ang listahan ng Top 10 na pinakamayayaman sa Pilipinas sa taong 2021. Lahat sila ay pawang nasa larangan ng business at karamihan ay mga Chinese businessmen.
Isa lang ang nakapasok sa listahan ng Forbes para sa Philippines' Top 10 Richest for 2021 na talagang masasabing purong Pinoy, walang iba kundi si former Senator Manny Villar.
Pangalawa si Manny Villar sa pinakamayayamang tao sa ‘Pinas na may worth na $6.7 billion (P335 B).
Ang Top 1 ay ang mall magnate na mga anak ng original owner ng SM malls na si Henry Sy. Ang Sy siblings ay may $16.6 billion (P830 billion). Pero divided pa ‘yan sa kung ilan silang magkakapatid, unlike si Villar, solo niya ang P335 B, more or less.
Pumangatlo naman ang container tycoon at owner ng sikat na hotel & casino na si Enrique Razon, Jr. na may $5.8 billion (P290 B).
Pang-apat si Lance Gokongwei and siblings with $4 billion (P200 B). Sumunod si Jaime Zobel de Ayala na may worth na $3.3 billion (P165 B).
Pang-anim ang mag-asawang sina Dennis Anthony and Mary Grace Uy ng Converge na may worth $2.8 billion (P140 B). Then, si Tony Tan Caktiong ng Jollibee Foods Corporation na may $2.7 billion (P135 B).
Nasa eighth place si Andrew Tan with $2.6 billion (P130 B). Pang-nine si Ramon Ang with $2.3 billion (P115 B) and last but not the least, ang Ty siblings na may worth na $2.2 billion (P110 B).
Kung aanalisahin, si former Senator Villar pala talaga ang pinakamayamang indibidwal sa Pilipinas ngayon, ‘noh? At kahit pandemic, umangat pa rin ang net worth nila, hah?!
Ayon pa sa Forbes, ang pinagsama-samang kayamanan ng 50 Richest Filipinos ay tumaas pa raw ng 30% to $79 billion (P3.9 trillion) sa kabila ng pandemya.
Reaction ng mga netizens, "Eto ‘yung mga legit na ‘di kailangang mag-humble brag sa socmed or even mag-socmed, hahaha! Haaay, sana ol, haha!"
"‘Yung mga banyaga pa ang richest sa atin talaga, ha!? Si Villar lang yata ang purong Pinoy d’yan. Kaawa-awang ‘Pinas."
"Kasi ang mga ninuno nila ay nagsipagtrabaho at nag-invest. Nagsimula sa wala ang mga iyon hanggang sa naipasa na nila sa angkan nila ang pinaghirapan nila. Then ang mga ‘yan naman ay mga nagsisipagtrabaho rin, hindi natutulog o tsumitsismis lang. Kaya mo ring gawin ang ginawa ng mga ninuno nila, since hindi ginawa ng mga magulang o lolo at lola mo."
"Konting kembot na lang, magna-number one ka rin, Villar. Grab lang nang grab."
"Oo nga, tapos puwede na tayo magsabi ng Pinoy pride ‘pag si Villar na number one."
But wait, 'di yata nakapasok sa Top 10 si Senator Manny Pacquiao? Although for sure naman, pasok siya sa Top 20.
Natawa kami sa reaksiyong nabasa namin sa socmed kung bakit laglag si Sen. Pacquiao sa mga richest Pinoy.
“Eh, kasi naman, panay ang shopping ng luxury items ni Jinkee,” hirit ng netizen.
Winner! Lol!