ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | March 1, 2023
Isang malaking tagumpay ang red-carpet premiere night ng pelikulang Martyr or Murderer na ginanap sa tatlong sinehan no less ng SM The Block last Monday night, February 27.
Of course, in full force ang buong cast at ang direktor na si Darryl Yap, gayundin ang mga executives ng Viva Films sa pangunguna ni Boss Vic del Rosario.
Lalo pang naging momentous ang gabi dahil sa presence ni Sen. Imee Marcos na as we all know ay siyang napakalaking factor sa pagbuo ng MOM.
The movie revolves around the exile of the late former President Ferdinand Marcos in Hawaii noong 1986 at ang naging pamumuhay ni Sen. Imee sa Morocco during that time.
Maraming mga flashbacks sa movie which dated back as early as 1949 nang panahong mga binata’t dalaga pa ang mga magulang ni Sen. Imee, gayundin si yumaong former
Senator Ninoy Aquino.
Ipinakita sa pelikula ang matinding rivalry nina Marcos at Aquino kahit noong binata pa, hindi lang sa pulitika kundi maging sa pag-ibig. Maraming shocking revelations ang mapapanood sa pelikula tungkol kay Ninoy.
Isa sa mga highlights ng pelikula ay ang breakdown scene ni Cristine Reyes as Imee nang yumao ang kanyang ama played by Cesar Montano habang nasa Morocco siya.
The scene was so touching, gayundin ang pag-uusap nila sa teleponong mag-ama minutes before Pres. Marcos died.
Nang makausap nga ng press si Imee after the premiere night ay sinabi niyang naiyak siya sa nasabing eksena.
“Medyo mabigat ‘yung scene sa akin dahil ayaw mo nang daanan the second time,” sey ng senadora.
Napabilib kami ni former Manila Mayor Isko Moreno as Ninoy dahil kuhang-kuha niya ang hitsura at mannerism ng tatay ni Kris Aquino. Gustung-gusto namin ang napakatagal na titigan scene nila ni Cesar nang magkita sila sa isang event.
As usual, punumpuno ng kaelegantehan si Ruffa Gutierrez bilang Madam Imelda Marcos at ang haba naman talaga ng confrontation scene nila ni Isko sa movie.
Kudos also sa mga gumanap na young Imelda (Cindy Miranda), young Ferdinand (Marco Gumabao) and young Ninoy (Jerome Ponce) dahil ang galing din nila sa kanilang mga eksena.
Kung sa Maid in Malacañang ay pasabog ang last scene kung saan ay ipinakita nga si former President Cory Aquino na nagma-mahjong, ang dami ring shocked sa ending scene ng MOM dahil sa paglabas ni Aga Muhlach as President Bongbong Marcos.
Split seconds lang nakita si Aga sa movie pero sapat na ito para magsigawan sa loob ng sinehan.
Bukod kay Aga, isang bagong cast din ang lumitaw sa bandang ending na nakita rin naman sa trailer, si Eula Valdez bilang Sen. Imee.
Obviously, sa 3rd sequel ay present time na ang ating mapapanood kaya naman sina Aga at Eula na ang gaganap bilang PBBM and Sen. Imee respectively.
Gusto rin naming batiin of course ang direktor na si Darryl Yap dahil sa totoo lang, hindi madaling gawin ang ganitong klaseng pelikula na punumpuno ng historical moments but he successfully pulled it off.
Showing na today, March 1, ang Martyr or Murderer in 250 cinemas nationwide.