ni Ambet Nabus @Let's See | Feb. 20, 2025
Photo: chloeanjeleigh - Instagram
Hayan na naman, nakakita na naman ng oportunidad itong si Goldilocks girl ni Caloy Yulo para mag-ingay.
Dahil nabalita ngang hindi man lang binati ng pamilya si Caloy when he celebrated his birthday, siyempre, napag-usapan na naman sila.
Imbes kasing i-share raw sa pamilya ang espesyal na okasyon ay minabuti ng magjowa na abroad ito i-celebrate.
Dedma nga si Caloy kahit wala siyang nakuhang birthday greetings from his family, pero dahil sa intriga ng netizen, naging patola ang kanyang GF at sumagot ito sa bashing.
Next issue, please? Hahaha!
Kaya ‘di na maka-box office…
NORA, MATATANDA NA ANG FANS, MOVIE ‘DI NA MASUPORTAHAN
SINASABING ang dahilan kung bakit nahihirapan na raw na magkaroon ng box-office hit movie ang isang Nora Aunor ay dahil sa matatanda na ang mga loyal followers nito, na kesyo hindi na nila keri ang sumugod sa mga sinehan at suportahan ang idolo nila.
Medyo nagtataka at napapatanong lang kami dahil kung totoo ito, paanong sa sobrang ingay nila sa socmed (social media) ay halos daigin pa nila ang mga Gen Zs at millennial sa pagka-hi-tech nila na nakakagawa sila ng multiple at glossy accounts?
With all due respect po sa mga lola’t tita na fans ni Ate Guy na maiingay sa socmed, ha, hindi namin hinahamak ang kakayahan ninyo sa mga gadget, pero medyo nakapagtataka lang, ‘di ba?
Nasaan ang mga anak ninyo, apo o pamangkin o kaanak na dapat ay napagpasahan ninyo ng sinasabi ninyong loyal adulation at pag-patronize sa inyong idolo at mga projects nito gaya ng currently showing (pa ba?) na Mananambal movie?
Hay, naku, kaya kayo kinukuwestiyon at nakakantiyawan, eh. Imbes kasing makipagbardagulan sa iba lalo na sa mga fans/supporters ng isang Star for All Seasons Vilma Santos, aba, eh, iorganisa ninyo ang mga kilos ninyo. And that is the challenge!
Kita sa kilos… JULIA, OBYUS NA RELATE NA RELATE SA PAGIGING INA
HALATANG-HALATA naman na nakaka-relate na si Julia Montes sa role niya bilang nag-arugang ‘ina’ sa Saving Grace (SG) na mapapanood na sa mainstream TV channel.
Sa napanood naming pahayag nito, mapi-feel mo talagang alam na alam na niya ang kanyang ibinabahaging mga emosyon bilang isang ina, kaugnay ng kanyang ginawa sa drama series.
Matagal nang natapos sa Prime Video ang naturang serye na may bonggang-bongga cast members in Julia, Janice de Belen, Jennica Garcia, Sam Milby at Sharon Cuneta.
Nasisilip namin ito sa Prime Video at tunay itong nakakaiyak, nakakaantig at nakakainis ang mga tagpo/eksena dahil sa tema ng pagmamaltrato sa isang bata. Hahaha!
At dahil nga sa limitasyon nito sa naturang platform, sa TV version daw nito ay mas higit itong kumpleto at ipapakita ang mga eksenang higit na emosyonal, kaya’t hindi tissue ang need ng mga manonood kundi tuwalya na.