top of page
Search

ni Lolet Abania | May 8, 2022



Dalawampu’t apat na indibidwal ang inaresto, lima rito ang nasugatan sa naganap na shooting incident na hinihinalang may kaugnayan sa eleksyon sa Nueva Ecija, kung saan sangkot ang security personnel ng incumbent mayor na si Isidro Pajarillaga at mayoral candidate na si Virgilio Bote, ayon sa Philippine National Police (PNP) ngayong Linggo.


Sa isang press conference, ini-report ni PNP spokesperson Police Colonel Jean Fajardo na ang insidente ay naganap sa Purok Gulod, Barangay Concepcion, General Tinio, Nueva Ecija, bandang alas-11:45 ng gabi nitong Sabado.


“We are considering the incident in General Tinio, Nueva Ecija as a suspected election-related incident considering that the involved parties there are the supporters and bodyguards of both candidates running for particular elective position,” saad ni Fajardo.


Ayon kay Fajardo, ang limang nasugatan ay agad na nabigyan ng medikal na atensyon subalit nasa kostudiya sila ng pulisya para sa imbestigasyon.


Inihahanda naman ng Nueva Ecija Police ang isasampang criminal charges para sa frustrated murder, dahil sa paglabag sa Republic Act 10591 at violation ng Omnibus Election Code (gun ban) laban sa mga naarestong mga suspek, sabi rin ni Fajardo.


Nagsagawa naman ang mga imbestigador ng Scene of the Crime Operatives (SOCO) ng pagsisiyasat sa crime scene, kung saan limang basyo ng bala na tumama sa sports utility vehicles ang kanilang narekober.


Nakakumpiska rin mula sa mga inarestong indibidwal ng limang M-16 rifles, isang 12-gauge shotgun, 15 handguns, at mahigit sa 200 rounds ng assorted live ammunition. Gayundin, 20 cell phones, tatlong handheld radio, at campaign leaflets ni Pajarillaga ang narekober ng mga awtoridad, ayon kay Police Regional Office 3 Police Major Aileen Rose Stanger.


“Ang ating pulisya po ay nag-e-exert ng lahat ng effort para ma-mitigate ang occurrence ng violence dito sa four corners ng Region especially ngayong election period,” sabi pa ni Stanger.


 
 

ni Jasmin Joy Evangelista | December 2, 2021



Patay ang tatlong estudyante, habang anim ang sugatan matapos mamaril sa loob ng eskuwelahan ang isang 15-anyos na estudyante sa Michigan, USA.


Kabilang ang isang guro sa mga nasugatan.


Sinabi ng Oakland County Sheriff's office na nangyari ang insidente sa Oxford High School, batay sa report ng Reuters.


Nasa 15 hanggang 20 ang ipinutok ng suspek gamit ang semi-automatic handgun.


"The suspect fired multiple shots," ayon kay Undersheriff Michael McCabe.


“There's multiple victims. It's unfortunate I have to report that we have three deceased victims right now, who are believed to be students," dagdag niya.


Ayon kay McCabe, nasa kustodiya na ng mga awtoridad ang 15-anyos na suspek.


Tumagal umano ang insidente ng limang minuto.


Naniniwala ang mga awtoridad na mag-isa lang na ginawa ng suspek ang krimen.


Patuloy pa ang imbestigasyon kung bakit namaril ang suspek.

 
 

ni Lolet Abania | February 16, 2021




Patay ang dating mayor ng Lasam, Cagayan na si Marjorie Salazar at tatlong iba pa matapos na pagbabarilin ng mga hindi nakilalang suspek sa Barangay Ignacio B. Jurado ngayong Lunes nang umaga.


Sa inisyal na report ng pulisya, kinilala ang tatlo pang biktima na sina Eduardo Asuten, John Rey Apil at Aiza Manuel.


Ayon sa awtoridad, sakay ng puting Toyota Hi-Ace ang dating mayor at tatlong kasama habang ang mga suspek ay sakay ng asul na Hyundai Accent at puting Toyota Wigo nang pagbabarilin ang sasakyan ng mga biktima.


Agad na tumakas ang mga suspek patungong Barangay Centro. Isinugod naman sa ospital ng mga rumespondeng Lasam police ang mga biktima subalit hindi na umabot nang buhay.


Nagsasagawa na ng dragnet operations ang mga awtoridad at iba pang kalapit na police stations para sa ikadarakip ng mga suspek. Inaalam na rin ng pulisya ang motibo ng mga suspek sa pagpaslang.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page