top of page
Search
  • BULGAR
  • Oct 26, 2023

ni Angela Fernando - Trainee @News | October 26, 2023




Takbuhan at sigawan ang bumungad sa Lewiston, Maine matapos mamaril ng isang lalaki na kumitil sa buhay ng hindi bababa sa 22 katao nu'ng Miyerkules, Oktubre 25.


Nagsimula ang pamamaril alas-6:56 ng gabi, kung saan nakita ng mga saksi na tumatakbo palayo ang mga tao mula sa bowling alley.


Inilabas ng pulisya ng Lewiston ang kanilang 'person of interest' at kinilalang si Robert Card, 40-anyos.


Umabot naman sa 50 hanggang 60 ang nasugatan sa pamamaril at kasalukuyang tinutugis ang suspek.






 
 

ni Lolet Abania | May 15, 2022



Todas ang 10 indibidwal habang tatlo ang nasugatan matapos na pagbabarilin sila ng isang 18-anyos na gunman sa isang grocery store sa Jefferson Avenue, Buffalo, New York nitong Sabado (New York Time).


Ayon kay Buffalo Police Department Commissioner Joseph Gramaglia, naganap ang pamamaril bandang alas-2:30 ng hapon, habang sumuko ang suspek sa pulisya matapos ang insidente. Iniimbestigahan na ng mga awtoridad ang insidente, kung saan pinaniniwalaan nila itong isang hate crime at akto ng “racially motivated violent extremism.”


Sinabi rin ng pulisya na armado ang suspek na isang puti o white American ng isang assault-style rifle at mag-isang dumating sa Buffalo mula sa New York county ilang oras umano ang layo sa target niyang grocery store na itinuturing na komunidad ng mga itim na Amerikano o Black community.


Sa salaysay naman ng mga nakasaksi, pumasok ang suspek sa grocery store na nakasuot ng military-type gear at body armor, at may dalang rifle.


Ayon pa sa mga opisyal ng pulisya, 11 mula sa 13 biktima na tinamaan ng bala ng baril ay mga Black habang dalawa naman ay puti.


Kaugnay nito, ayon sa Philippine Consulate General, wala namang Pilipino na nadamay sa panibagong shooting incident na naganap sa Buffalo, New York.


“Initial reports received by Philippine Consulate General in New York indicate no Filipino casualties in mass shooting incident in Buffalo New York that left 10 people dead,” pahayag ni Consul General Elmer Cato. Aniya pa, mayroong 540 Pinoy na nasa Buffalo, New York sa ngayon.

 
 

ni Lolet Abania | May 9, 2022



Isang guro sa Negros Occidental na nakatalaga bilang support staff sa isang electoral board ang pinagbabaril at napatay sa Himamaylan City nitong Linggo nang gabi, bago ang araw ng eleksyon, ayon sa Police Regional Office 6 (PRO6) ng Philippine National Police (PNP).


Sinabi ni PRO public information officer chief Police Lieutenant Colonel Arnel Solis, bandang alas-8:30 ng gabi naganap ang shooting incident, kung saan ang biktimang si Mercy Miguel at kanyang asawa ay pauwi na ng kanilang bahay sa Barangay Caradio-an.


“Pinaputukan po ‘yung mag-asawa and itong babae si Ma’am Mercy Miguel, tinamaan po sa tiyan. Sa masamang palad, binawian po siya ng buhay,” saad ni Solis sa isang press conference ngayong Lunes.


Agad namang isinugod ang guro sa Governor Valeriano M. Gatulsao Memorial Hospital subalit idineklarang dead-on-arrival.


Ang asawa naman ni Miguel na si Aldrin ay ligtas na.


Kaugnay nito, inatasan na ni PRO6 director Police Brigadier General Flynn Dongbo ang Negros Occidental Police Provincial Office na magsagawa ng malalimang imbestigasyon hinggil sa naganap na barilan.


“I already gave instruction to the Provincial Director of Negros Occidental Police Provincial Office, Police Colonel Leo B. Pamittan to conduct a thorough investigation on this incident to determine the motive and to identify the suspect/s,” sabi ni Dongbo sa isang statement.


“And once the perpetrators are identified, immediately appropriate charges must be filed against them,” dagdag ni Dongbo.


Nakarekober ang pulisya ng apat na basyo ng 9 mm caliber mula sa lugar na pinangyarihan ng insidente.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page