ni Lolet Abania | December 11, 2021
Nag-isyu ng isang red tide notice ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) nitong Biyernes sa maraming coastal areas, kung saan ang mga shellfish ay nagpositibo sa test sa paralytic shellfish poison na mataas pa sa pinapayagang limit nito.
Base sa latest shellfish bulletin data ng BFAR, lahat ng uri ng shellfish at acetes o kilala sa tawag na alamang ay hindi ligtas na kainin na makukuha sa mga sumusunod na lugar:
• Coastal waters ng Mariveles, Limay, Orion, Pilar, Balanga, Hermosa, Orani, Abucay, at Samal sa Bataan
• Coastal waters ng Milagros sa Masbate
• Coastal waters ng Dauis at Tagbilaran City sa Bohol
• Carigara Bay sa Leyte
• Coastal waters ng Leyte, Leyte
• Coastal waters ng Guiuan at Matarinao Bay sa Eastern Samar
• Dumanquilas Bay sa Zamboanga del Sur
• Litalit Bay, San Benito sa Surigao del Norte
• Lianga Bay sa Surigao del Sur
“Fish, squids, shrimps and crabs are safe for human consumption provided that they are fresh and washed thoroughly, and internal organs such as gills and intestines are removed before cooking,” pahayag ng BFAR.
Samantala, ayon sa ahensiya, ang coastal waters ng Baroy sa Lanao del Norte sa ngayon ay free-red tide na.