ni Reggee Bonoan - @Sheet Matters | August 29, 2020
Maski ilang beses nang sinabi ni Angel Locsin na wala siyang planong pasukin ang pulitika ay paulit-ulit pa ring sinasabi ng mga supporters niya na mananalo siya kapag tumakbo siya sa next election.
Ang laging sinasabi ng aktres, “Public servant naman po kami bilang mga artista, eh. I think 'yung buhay naman namin is very public. Lahat naman ito, ginagawa namin, hindi lang para sa sarili namin, kundi gusto naming magbigay ng entertainment sa mga tao. Pero politics? Hindi talaga. Sobrang hindi. Wala, wala sa utak ko 'yun.”
Pero hindi lang pala ang mga tagasuporta ng aktres ang nagsabing mananalo siya kapag tumakbo kundi maging ang mismong opisyal ng Comelec ay naniniwala rito.
At malay natin, sa mga susunod na araw ay mabago pa ang isip ni Angel lalo’t nakatanggap siya ng Centennial Champion Award mula sa Zonta Club of Makati & Environs.
Isa itong global organization na kinikilala ang mga taong tumutulong sa mga kababaihan sa pamamagitan ng serbisyo at adbokasiya.
Kinilala nila ang mga charity projects at mga boluntaryong serbisyong nagawa ni Gel sa maraming taon.
Ipinost ni Angel ang natanggap na Centennial Champion Award sa kanyang social media account at nagpasalamat sa tiwala at respetong ibinigay sa kanya.
Ang caption ng aktres, “I alone cannot change the world, but I can cast a stone across the waters to create many ripples.
"Enjoyed meeting inspiring women on Zoom earlier today. To Zonta Club of Makati & Environs, thank you for making me part of your event.
“I admire your passion in uplifting women’s lives and the community. More power to all of you.
Ini-retweet naman ni Comelec Commissioner Rowena Guanzon ang mga nag-retweet ng post ni Angel at sinabing puwede siyang maging senador.
Caption ni Guanzon sa kanyang post, “In my opinion, if Angel Locsin runs for Senator, she can win.
“Tatak-Bisaya, Ilongga. Courageous, bright and with a sincere heart.”
Nakakagulat ang pahayag na ito ni Comm. Guanzon dahil senador kaagad ang sinabi niya? Kaya naman may ilang umayon at kumontra na hindi pa kaya ni Angel ang nasabing posisyon na kaagad din nitong sinagot.
Sabi ng netizen, “Hindi po sa ayoko sa kanya, Ma'am pero ang senator po ay taga-gawa ng batas, so 'di po ba dapat, lawyers just like u? Although wala naman sa requirement 'yun, kaya tingnan n'yo naman kung sinu-sino na lang ang tumatakbo. Again po, I like Angel pero po sana, ‘wag naman natin siya sa Congress i-push.”
Ang sagot ni Commissioner Guanzon, “Kaya ni Angel 'yan. 'Yung mga lalaki nga nag-senador, eh. Bakit babae, hindi puwede? She will hire bright lawyers to help her. Kailangan natin 'yung walang personal interest. Bayan ang sa puso.”