top of page
Search

ni Rohn Romulo - @Run Wild | September 2, 2020




Sa pagpasok ng 'BER' months, isa noon si Megastar Sharon Cuneta sa sobrang abala sa pagbabalot ng gifts at pagsusulat sa kanyang personalized gift cards at kung minsan naman, imported Christmas greeting cards.


Isa kami sa masusuwerteng nakatatanggap ng yearly special Christmas gift na ito ni Mega na hanggang ngayon ay naitabi pa namin. Siya 'yung pinakaunang nagbibigay ng holiday gift at after Christmas, may Valentine's gift din siya na ipinadadala na personalized din, kaya labis mong ikatutuwa 'yun.


Pero isang Pasko, nagkasakit siya dahil sa stress, naospital at muntik na niyang ikamatay, kaya itinigil na niya 'yung kanyang Christmas tradition, na taun-taon niyang nami-miss.


Sa IG post niya nitong August 31, muli niya itong inalala. Caption niya, "This reminds me of the younger me (not looking like this lady at all obviously!) in jeans and a shirt (replace the butler with my late Yaya Luring), gift-wrapping ALL gifts myself overnight for days! Playing Alien, Aliens & Alien 3 over and over on the big TV in my Mom & Dad’s Music Room to keep me company (sometimes it was the whole Rocky series. Whatever was there that I liked!).


"I got sick one Christmas because of stress. They took my blood pressure because I was looking so pale. Turned out it was 200/190 or higher. Kiko and my cardiologist got so angry I went to St. Luke’s that night. After that, I couldn’t do my beloved Christmas routine anymore. Well, the list DID get longer every year and I always had much more to do. Even writing on the gift cards, I refused to delegate. I still have a hard time delegating personal stuff I’d rather do myself.


"Well, I realize now, better than nothing. Still... They STOLE CHRISTMAS FROM ME! And I was born a Christmas person. Even my initials are the same as Santa Claus’! Hahaha! My favorite season of the year."


Samantala, nag-post si Sharon ng collage photos ng favorite South Korean actors na sina Hyun Bin, Ji Chang Wook, Lee Min Ho at Kim Soo Hyun at may caption na, "May kulang..."


Nag-react naman ang mga fans, at nag-suggest pa ng ibang K-drama actors, pero ang kulang talaga sa list ay si Gong Yoo, na una niyang naging love.


Kaya ang sinunod niyang ipinost ay ang solo pic ni Gong Yoo, "Okay!" na tingin ng mga fans ay may special treatment.


Kaya nag-react si @gens_marlyn, "Ayan, kailangan talaga hiwalay. Hahahaha! Ok na po!"

Sagot naman ni Mega, "At 'di rin kasi nagkasya. Hahaha!"


Reply naman ni @gens_marlyn, "@reallysharoncuneta Oo nga, forgiven na 'yun! Hahaha!"


Kaso, may nag-react na naman sa pagpo-post ni Sharon ng mga kinababaliwan at hinahangaang K-actors.


Comment ni @jlagunsad, "Napaghahalata na tuloy, hindi pa naka-get over kay Gabby. Naku, Mrs. Sharon, walang masama kung mahilig ka sa guwapo kung single ka pa, mahabag ka naman sa asawa mo na si Kiko, sa tingin mo, hindi nagseselos 'yan? Piece of advice, delicadeza naman. Idol pa naman kayo ng nanay ko. Nakakaawa si Kiko."


Nag-agree si @ednaobligacion kay @jlagunsad, "I agree with you. Mas guwapo naman si Senator Kiko Pangilinan kaysa sa mga Koreano na 'yan. Tama! Respeto at delicadeza naman."


Kasunod naman niyang ipinost ang short video ni Lee Min Ho kasama ang heart emoticon.


Pero tinalbugan ng post niya kay Hyun Bin na may caption na, "Hi Honey. Uy #Binnie #hyunbin #hyunbinishappiness."


Hindi pa rin nagpaawat si Mega dahil may series of post din siya sa fave K-pop group niya na SHINee.


Sa YouTube channel nga ni Mega, ipinasilip niya ang iba pang K-pop boy and girl group na nagustuhan niya.


Marami man ang nagri-react sa kanyang pagkahumaling sa mga Korean stars, keber na lang niya dahil lahat naman tayo ay may karapatang maging fan kahit ano pa'ng edad natin.


Katwiran ni Sharon, "There's no age limit to being a fan of K-pop groups or K-drama. If they make you happy, hey, you only live once."


Tama nga naman, dahil may kakaiba itong hatid na saya, kaya sige lang, sabi nga, kani-kanyang trip lang at mapaglilibangan lalo na ngayong nahaharap tayo sa pandemya.

 
 

ni Ador V. Saluta - @Adore Me! | August 31, 2020




Kahit pa iniisip ng marami na bilyonarya ang Megastar na si Sharon Cuneta, malaking dagok din sa kanya ang pagpapasara sa ABS-CBN na nasabay pa sa Covid-19 pandemic, dahilan para matigil ang mga trabaho at madamay ang ekonomiya ng mundo.


Kaya sa maniwala o hindi ang mga supporters ni Sharon, nagbebenta na siya ng mga ari-arian dahil sa pagkakansela ng kanyang mga nakalinyang projects bago pa ang pandemya.


Sa kanyang pinakabagong vlog sa The Sharon Cuneta Network, ikinuwento muna ni Megastar kung bakit niya nakahiligan ang pangongolekta ng mga bagay na aniya’y tumataas ang halaga sa paglipas ng panahon gaya ng mga relo at alahas.


“I have a vast collection because I’ve worked hard for everything I have. And I like things that appreciate in value. I don’t buy expensive cars because they depreciate. My father collected cars and watches. Namana ko ‘yung love niya for watches. My mom loved jewelry. And I love jewelry because I have daughters, too and pang-investment sa 'kin ‘yun, eh,” bungad na kuwento ni Sharon.


Dagdag pa niya, isa sa mga kinahihiligan niya ang mga real estate o mga bahay at lupa dahil nakatulong umano ito sa kanya lalo na sa mga panahong naghihirap siya.


“I love real estate because that’s what I learned from my dad and it has helped me get through tough times."


Ibinahagi niya rin na walong buwan na siyang walang trabaho dahil sa sunud-sunod na pagkansela ng iba’t ibang proyekto gaya ng pelikula, concert at mga corporate shows.


“Like wala akong trabaho nang walong buwan na. I lost two concert tours, one with Regine (Velasquez) and one in Australia by myself. This year, I would’ve been shooting my third movie by this time for the year kung hindi nagka-COVID. At meron akong corporate shows na sunud-sunod, mga lima yata na naka-line-up na hindi natuloy. Ang dami na pong nawala,” ani Sharon.


Buti na lang daw at nakabenta siya ng property bago nagtapos ang year 2019 at ngayon ay tuluy-tuloy pa umano siya sa pagbebenta ng mga ari-arian.


“Pero sa awa ng Diyos, I was able to sell real estate just before last year ended and that is why I’m okay and nakakatulong. And I’m selling properties,” bahagi ng kuwento ni Sharon.

Aminado naman si Sharon na mahal niya ang pera, ngunit hindi umano ito umabot sa puntong ginagawa na niyang Diyos ang salapi.


“‘Yan ang ganda ng pag-i-invest, kasi alam ko kung kelan ako puwedeng gumastos para ma-enjoy ko ‘yung pera because I don’t like money to rule me. I like to enjoy money. And I love money. You know why? Because I am the master of my money. Money is not my master. It never will be,” giit pa niya.


Sa isa niyang pahayag, aniya'y sa isang condo sila nakatira ngayon ng husband na si Sen. Kiko Pangilinan habang ipinapatayo pa ang bago nilang bahay.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page