top of page
Search

ni Angela Fernando - Trainee @News | January 27, 2024




Binigla ni “Megastar” Sharon Cuneta ang madla sa kanyang Facebook post kung saan itsinika nitong posibleng malayo muna siya sa 'Pinas.


Naglalaman ang post ni Megastar ng mga screenshots ng naging offer sa kanya sa Los Angeles, California, kung saan may gagampanan siyang role sa isang hindi nasabing series.


Tentative pa naman daw ang magiging schedule na magsisimula sa buwan ng Mayo ngunit excited na ang mga supporters nito at inuudyok si Sharon na agad na kagatin na ang nasabing role dahil miss na nga nila ang pag-arte nito.


Sey niya sa post, "From my U.S. management. [Glad emoji] I think I wanna do this! But waiting for my scheds pa here. Pag natuloy ito hay salamat malalayo ako ng konting tagal sa Pilipinas sama ko pamilya ko! Thinking hard and praying pa. [Thankful emojis]"


Mukha ngang may dapat na namang abangan ang mga supporters ng actress-singer mula sa kanya sa mga susunod na buwan.

 
 

ni Angela Fernando - Trainee @News | December 16, 2023




Marami man ang tsismis na kumakalat ngayon na hiwalay na si Senador Kiko Pangilinan at si Megastar Sharon Cuneta, hindi naman nagpapigil ang senador na tawaging 'misis' ang aktres.


Sa bagong post ni Kiko nitong Biyernes, ipinakita nitong suportado niya ang asawa sa guesting nito sa E.A.T.


Saad niya sa kanyang post habang hawak ang art card ni Sharon, “Hello, mga Dabarkads at mga ka-OKIKS! Mas pasayahin ang inyong tanghali kasama ni Misis sa E.A.T ngayong December 15!”


Matatandaang umugong ang usap-usapang hiwalay na ang dalawa matapos na magbahagi si Megastar ng isang cryptic post sa kanyang Instagram na binura naman nito agad.


Dumagdag pa ang sinabi niya sa kanyang interview sa TV host na si Luis Manzano na ibinigay na yata lahat ang kanyang kahilingin except sa isang 'di ibinigay.


Hindi pa naman nagbibigay ng reaksiyon sina Cuneta at Pangilinan sa mga kumakalat na tsismis na hiwalay na sila ngayon.

 
 

ni Eli San Miguel - Trainee @Entertainment | December 8, 2023




Sinabi ni Megastar Sharon Cuneta na siya'y magiging malungkot habang ipinagdiriwang ng kanyang panganay na anak na si KC Concepcion, ang Pasko kasama ang kanyang ama, si Gabby Concepcion, sa unang pagkakataon.


"Simple lang ako mag-Pasko. Simple lang kami lagi. Sa noche buena, kami lang. Just my immediate family. But it will be the first Christmas that KC will be spending with her father. They never spent Christmas together," pahayag ni Sharon nang tanungin siya tungkol sa kanyang holiday plans sa isang media conference para sa kanyang nalalapit na pelikula kasama si Alden Richards na may pamagat na 'Family of Two' sa Novotel Manila noong nakaraang Linggo.


Dagdag niya, “It's going to be different for me. It's a little sad. But I'm also happy for them because they do it for the lost time.”


"I'm also taking a one-week break for my birthday. Dito lang naman sa Asia with my family. God has been good, and I've been doing so much work ... so much work. Hindi ko alam paano isisiksik yung mga dumating na offer. Concerts tuloy-tuloy even without my partner. I will have a concert tour in the US. So it's so busy. And I'm thankful to God for that," paliwanag pa niya.


Kinasal sina Sharon at Gabby noong Setyembre 23, 1984. Si KC, na 38 anyos ngayon, ang kanilang nag-iisang anak. Naghiwalay sila noong 1987 at naging annulled noong 1993. Noong 1996, ikinasal si Sharon kay Sen. Francis 'Kiko' Pangilinan at nagkaroon ng tatlong anak.


Noong 2004, ikinasal si Gabby kay Genevieve Gonzales. Noong Oktubre, nagkasama naman sina Sharon at Gabby para sa isang matagumpay na concert na may pamagat na "Dear Heart." At sa unang pagkakataon, nagkasama sa entablado si Sharon, Gabby, at ang kanilang anak na si KC.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page