top of page
Search

ni Julie Bonifacio @Winner | Jan. 7, 2025



Photo: Sharon Cuneta - IG


Nag-senti si Megastar Sharon Cuneta sa pagse-celebrate ng kanyang birthday kahapon, January 6, sa pamamagitan ng pag-post ng isang mensahe sa kanyang mga social media accounts. 


Nag-post si Mega ng picture niya nu’ng bata as Hawaiian girl at isa pang picture ng cartoon character na si Lilo ng Lilo & Stitch (L&S).


Caption ni Mega: “(Sorry I chose this pic because I really love and adore Lilo! As much as if not more than my darling Tinkerbell!) Tomorrow, January 6, at exactly 2:49 in the afternoon, I turn 59. HOW am I this old now?!!! I was 23 only yesterday! 


“At least that is how I feel. And it’s my birthday so don’t make contra! I am grateful for all that I have been blessed with and don’t need anything more. 


“But IF I had to wish for a few things, one would be for all the homeless furbabies in and out of @pawssionproject to be adopted or at least sponsored; two would be to get away and re-group, collect myself and shake off ALL THAT I WENT THROUGH in 2024 - both the things that made me happy and those that made me cry. 


“I wish I could be somewhere out of the country to just hear my thoughts and pray and rest - physically, mentally, emotionally. 


“But I have a very important wedding to attend on the 8th where I will be Ninang again (to a beloved goddaughter at her Christening), and Kakie and Mielly are home and traveling is the last thing on their minds. 


“Always my dilemma: Needing to be alone while also needing my family with me! Ano ba ‘yan! But truly, I am just THANKFUL. I realize I have been so blessed that I still do not understand why… but I don’t question! 


“May our Heavenly Father bless all of us with LOVE, Peace, Good health and prosperity this year and always. 


“Thank you from the bottom of my heart to all of you who have supported and loved me all these years - through all the ups and downs of my life and career! I am grateful for and to you, and I love you very much. Here’s to a fantastic and wonderful 2025!!!”


On the other hand, nag-post sa Instagram (IG) ng pagbati kay Mega ang panganay niyang anak na si KC Concepcion. Marami ang natuwa na “nagparamdam” si KC sa birthday ng kanyang ina this year. Last year kasi ay tila dinedma ni KC ang birthday ng mama niya.


Narito ang IG post-birthday greeting ni KC kay Mega, “Happy birthday to the woman who was always my sunshine growing up! My first best friend, my first Valentine, my secret Santa, my first idol, my one and only! We've been through a lot together, but like a sunflower, you always manage to turn towards the light... And now, you show me how to do the same. I love you, my beautiful Mama. Happy birthday!!! @reallysharoncuneta.”


On a separate post, may ishinare na words of wisdom si Mega para sa kanyang mga anak.


Post ni Mega, “If you sleep with a man while he has a girlfriend, one day that man will do the same to you.


“If he’ll cheat with you, he will cheat on you. Once a cheater, always a repeater. So, better to have one loyal man on your side than ten FAKE boys.”


Bukod sa paalala sa kanyang mga anak, duda ng ilang mga netizens na merong pinatatamaan si Mega sa kanyang IG post.


Sinech naman kaya?


 
 

ni Rohn Romulo @Run Wild | Nov. 1, 2024



Photo: Gabby Concepcion at Sharon Cuneta - Instagram


Naging matagumpay ang first leg ng US-Canada tour ng Dear Heart (DH) nina Gabby Concepcion at Sharon Cuneta noong  Oct. 26 na ginanap sa Harrah’s Resort sa Southern California.


Napanood namin ang kabuuan ng concert sa pamamagitan ng Facebook (FB) live at sa ini-upload sa YouTube (YT) ng isang ShaGab fanatic, na ikinatuwa ng mga fans na nakarating sa iba’t ibang panig ng mundo. Ganu’n na lang ang pasasalamat ng marami dahil nakanood sila nang libre. 


Tuwang-tuwa sila at kilig na kilig ang mga nakasaksi sa reunion concert ng dating mag-asawa, ganu’n din ang mga team bahay, lalo na ‘yung nasa ‘Pinas. 


Pero may ilang nakapansin na parang hindi sila ganu’n ka-sweet kumpara sa sweetness nila sa Manila concert last year. Ramdam ng mga nanood ang pagpipigil ni Sharon, kaya panay ang sigawan kapag nagho-holding hands ang dalawa at naglalapit. Hindi rin pinagbigyan ni Sharon na mag-kiss si Gabby sa cheeks niya, kaya hanggang sa hands lang.


Inamin din nina Sharon at Gabby sa simula ng concert na kung nagkukumustahan sila — na huli pa silang nagkita noong DH concert in Cebu — hindi rin daw sila nagtatawagan after ng concert. Kaya happy sila na natuloy din ang concert tour, matapos mag-cancel ang repeat sana ng concert noong February. 


Isa sa mga memorable songs na kinanta nina Sharon at Gabby ang Never Ever Say Goodbye ni Nonoy Zuñiga, na paalala muli ng Megastar na ‘wag na ‘wag daw kakantahin sa wedding, dahil baka maghiwalay din ang mag-asawa tulad ng nangyari sa kanila ni Gabby.


Marami rin ang nabitin sa almost two hours na show, na kahit mag-more pa sila ay hindi pupuwede dahil may oras sa venue, ‘di tulad dito sa Manila na inaabot ng tatlong oras.


Sa second leg ng tour noong October 27 at Saban Theatre in Beverly Hills, California, mukhang bumawi naman sina Sharon at Gabby, dahil mas sweet na sila this time. Kaya mas tuwang-tuwa ang mga nakapanood nang live at sa social media platforms.


May eksena pa ngang tinanggal ni Sharon ang shades ni Gabby, kaya mas nakakakilig ang kanilang titigan. Mas may kilig ang kanilang yakapan at paghahawakan.


Ang next show nila ay sa Nov. 2 sa The Meeting House in Oakville, Ontario, Canada, ilang araw bago ang 60th birthday ni Gabby sa Nov. 5. Kaya inamin ng aktor na magiging memorable ang celebration niya dahil sa concert tour. 


Ang tanong nga ni Gabby kay Sharon, pupunta ba si Mega sa party niya?

Marami naman ang nagwi-wish na sana ay makasama rin sa US tour nila si KC Concepcion.


Pero ayon sa naging pahayag ni Gabby sa isang interbyu, “It would be nice if she could join us. I was talking to her. If she ever does not join the tour, I hope we see KC before we leave.”


Labis-labis nga ang pasasalamat nina Sharon at Gabby sa mga patuloy na sumusuporta sa kanilang love team, kahit maputi na ang kanilang buhok, sabi nga ng kanta. And in fairness, nakakaiyak pa rin ‘pag kinakanta nila ang Come What May.


Ang iba pang shows ay sa Nov. 15 at The Venue, Thunder Valley Casino Resort in Lincoln, Canada, Nov. 17 sa Las Vegas Resort and Casino in Las Vegas, Nevada, Nov. 21 sa Club Regent Events Centre in Winnipeg, Manitoba. 


Next show nila sa Nov. 23 sa Hawaii Convention Center in Honolulu at last leg nito sa Nov. 29 na gaganapin naman sa Chandos Pattison Auditorium in Surrey, British Columbia.

 
 

ni Julie Bonifacio @Winner | Oct. 12, 2024



Photo: Sharon Cuneta at Kiko Pangilinan - X


Tinalakan ni Megastar Sharon Cuneta ang mga kritiko ni Kiko Pangilinan pagkatapos mag-file ang kanyang mister ng Certificate of Candidacy (COC) for senator sa 2025 elections.  


Naka-post sa X (dating Twitter) account ni former Senator Kiko ang video clip ng interbyu sa kanila ng taga-media. Sinamahan ni Megastar si Kiko sa pag-file ng COC ng kanyang mister kamakailan.  


Nasa tabi niya si former Senator Leila de Lima at iba pang kaalyado ni Kiko sa pulitika.  

Pahayag ni Sharon, “When they say walang nagawa si Kiko, that hurts us so much because we know how hard he’s been working. Lahat po ‘yan ay mahahanap naman sa internet, please do your research. Sana po, sabihan n’yo ang iba na wala silang nagawa, ‘Wala namang ginawa ‘yan,’ oh, my God! ‘Yan po ang isa sa pinakamalaking kasinungalingan na ginawa ng kung sinuman ang kalaban n’ya. 


"Sana po you help us to let the people know that he has just done so much, you just have to look. You don’t even have to ask us, just do your own research. Alam n’yo po ang pagkontrol ng ibang tao. Napakadali pong maniwala ng iba nating kapwa Pilipino sa paninira lang.”


Sinegundahan naman si Sharon ng mga supporters ni Kiko sa socmed (social media):  

“Sen. Kiko, ikakampanya kita dito sa bayan ko. Malasiqui, Pangasinan! Presidente ako ng PWD dito sa barangay ko at Secretary ako ng asosasyon namin for the entire 73 barangays of Malasiqui.”


“Sharonian & Kikoian here po!”


But as usual, may mga bashers din ang mag-asawang Sharon at Kiko.  

“Merong nagawa, super dami, ‘di n’yo lang napansin. Hay, naku, isa sa pinakamarami doon is NOTED!”  


“Ohhh, akala ko si Sharon ang tatakbo.”

“Eto nga, nagawa niyang batas na walang kuwenta... Republic Act 9344 or the Juvenile Justice and Welfare Act.” 

Ganern?  


 

FOR sure, maha-happy ang Kalokalike contestant ng It’s Showtime (IS) na gumaya sa international rapper na si Snoop Dogg.  


Aba naman kasi, naka-post sa Instagram (IG) account mismo ng rap icon ang video ng contestant sa Kalokalike segment habang iniinterbyu ng mga hosts ng IS.


Nilagyan pa ng mga nakakatuwang emojis ang IG post ni Snoop Dogg sa ibaba ng video ng contestant.  


Caption ni Snoop Dogg, o ng kung sinumang administrator ng kanyang socmed accounts, “Wow, get it nephew.”  


At inari pa ni Snoop Dogg na pamangkin ang kanyang kalokalike sa IS, huh?

Ipinalabas ang naturang episode sa IS last October 5. Ang name ng look-alike contestant ng rap icon na taga-Tondo ay Carlos Sintyoco na nag-perform ng hit song ni

Dr. Dre at Snoop Dogg na The Next Episode. 


Snoop Dogg is a popular rapper in the United States. Malamang, sisikat itong kalokalike ni Snoop Dogg na si Carlos.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page