top of page
Search

ni Mary Gutierrez Almirañez | March 5, 2021




Timbog ang tatlong tulak sa isinagawang buy-bust operation ng mga awtoridad kung saan mahigit P680,000 halaga ng hinihinalang shabu mula sa Recto Avenue, Maynila ang nasabat kahapon, Marso 4.



Ayon sa ulat, taga-Makati at Caloocan City ang mga suspek na dumadayo pa umano sa ibang bayan para lamang magbenta ng shabu.


Kasong Illegal Drugs Selling at Possession of Dangerous Drugs ang haharapin ng tatlo.


 
 

ni Mary Gutierrez Almirañez | March 2, 2021




Nagsagawa ng magkakahiwalay na buy bust operation ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa Marikina, Pasay, Zamboanga at Bataan kahapon, Marso 2, Martes nang hapon.


Batay sa ulat, mahigit 600 gramo ng shabu na nakasilid sa tea bag na nagkakahalagang P4,080,000 ang nakuha mula sa 58-anyos na babae at sa dalawang lalaki na may edad 25 at 43 sa isinagawang operasyon sa isang mall sa Barangka, Marikina City.


Inaalam pa kung saan nakuha ng grupo ang nasabat na malaking halaga ng droga at kung sinu-sino ang kanilang mga parokyano.


Dagdag pa ng PDEA, taga-Laguna at Baguio City ang mga naaresto na dumarayo pa sa Maynila para magbenta ng ilegal na droga.


Kaugnay nito, 23-anyos na lalaking may alyas “Jovan” ang nahulihan ng isang caliber .38 na baril at 24 sachet ng hinihinalang shabu na aabot sa 14 gramo o P94,000 na halaga sa ikinasang buy-bust operation sa Bgy. 179 Maricaban District, Pasay City.


Samantala, isang welder ng barko ang nagtangkang magbenta sa pantalan ng mga shabu na nakasilid sa pakete ng instant noodles ang nahuli sa Zamboanga City. Tinatayang 50 gramo o nagkakahalagang P300,000 ang nasabat sa suspek.


Muli ring isinagawa ang operasyon sa Orion, Bataan kung saan P500,000 halaga ng shabu na nakasilid sa ice bag ang nahuli sa 31-anyos na lalaki. Kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang kinakaharap ngayon ng mga tulak.


 
 

ni Lolet Abania | December 13, 2020




Nakasabat ang awtoridad ng P54 milyong halaga ng hinihinalang shabu sa isang drug buy-bust operation sa Muntinlupa City kahapon.


Sa pahayag ng Philippine National Police (PNP), ang dalawang naarestong suspek ay may malaking papel sa sinasabing drug distribution network sa bansa.


Kinilala ang mga suspek na sina Renzy Louise Javier Vizcarra at Red Lewy Javier Vizcarra.


Sa ulat, nagsagawa ng buy bust operation nang alas-5:00 ng hapon nu'ng Sabado ang pinagsanib na puwersa ng mga operatiba ng PNP, Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), Intelligence Service of Armed Forces of the Philippines (ISAFP) at National Intelligence Coordinating Agency (NICA) sa harapan ng isang fast food outlet sa Tunasan.


Nakumpiska rin sa dalawang suspek ang walong kilo ng hinihinalang shabu, tatlong mobile phones, isang Toyota Innova at boodle money.


"Our anti-illegal drugs campaign has resulted even more in this kind of accomplishment because of the cooperation between and among our law enforcement agencies which serves as a stern warning to drug dealers," ayon kay PNP Chief Police General Debold Sinas.


Inihahanda na ang kasong isasampa laban sa dalawang naarestong suspek.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page