top of page
Search
  • BULGAR
  • Jan 22, 2024

ni Eli San Miguel - Trainee @News | January 22, 2024




Nasabat ng pulisya ang higit sa P130 milyon halaga ng ilegal na droga sa unang tatlong linggo ng Enero, ayon sa ulat ng Philippine National Police (PNP) ngayong Lunes.


Sinabi ni PNP chief Gen. Benjamin Acorda Jr. na nakahuli ang pambansang puwersa ng pulisya ng 1,661 mga indibidwal na may dala ng halos P132.9 milyon halaga ng ilegal na droga mula Enero 1 hanggang Enero 18 ng taong ito.


“The PNP conducted a total of 1,376 anti-illegal drugs operations. These operations resulted in the arrest of 1,661 drug personalities and the confiscation of an estimated standard drug price of P132.9 million,” pahayag ni Acorda sa mga reporters sa isang press briefing.


 
 

ni Eli San Miguel - Trainee @News | December 15, 2023




Natagpuan ang higit sa tatlong kilo ng hinihinalang shabu na may halagang higit sa P21 milyon sa loob ng isang abandonadong massage room sa pre-departure area ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 1, ayon sa ulat ng mga awtoridad ngayong Biyernes.


Natuklasan ng construction worker na si Paul Anthony Padilla ang mga hinihinalang ilegal na droga sa loob ng isang aparador sa dating Club Manila Massage Center na isinara sa publiko mula nang magkaroon ng pandemya noong 2020.


Ayon sa ulat ng mga otoridad ng NAIA, nagde-demolish ang mga construction worker ng mga lumang aparador sa loob ng Club Manila Massage Center nang makadiskubre si Padilla.


Nag-surrender si Padilla sa mga otoridad ng mga hinihinalang droga na nasa loob ng tatlong improvised pouch at may timbang na humigit-kumulang na 3,180 gramo.

May tinatayang P21,624,000 na street value ang droga.


Isinagawa ng mga otoridad ang isang imbestigasyon upang matukoy kung sino ang may-ari ng hinihinalang ilegal na droga at kung paano ito napasok sa establisyemento.

 
 

ni Eli San Miguel - Trainee @News | November 13, 2023




Nakumpiska ang halos P7 milyong halaga ng hinihinalang shabu mula sa isang 31-anyos na lalaki sa isang buy-bust operation sa Barangay Bulacao, Cebu City ngayong Lunes.


Kinilala ng pulisya ang suspek na si Renan Pardo na isa umanong high-value individual.


Hinuli ng Mambaling Police Station sa ilalim ng pamumuno ni Police Major Bethooven Taneo ang suspek na may dala ng mahigit isang kilo na hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P6,949,000.


Haharap ang suspek sa kaso ng paglabag sa Republic Act 9165 or the Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002, ayon pa sa pulisya.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page