top of page
Search

ni Ronalyn Seminiano Reonico | May 24, 2021



Patay ang dalawang drug suspects sa isinagawang joint operation ng Philippine National Police (PNP) at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) kung saan nakumpiska ang 10 kilo ng shabu na nagkakahalagang P68 million noong Linggo nang gabi sa Katarungan Village 1, Muntinlupa City.


Ayon sa ulat nina Police Brigadier General Remus B. Medina, Director PNP Drug Enforcement Group (PDEG) at PNP Chief Police General Guillermo Lorenzo T. Eleazar, ang anti-illegal drug operations na pinangunahan ng Special Operation Unit 16 (NCR) kasama ang Police Regional Office 6 Regional Intelligence Division, PDEA NCR, NCRPO-RID-RSOG-RDEU, Muntinlupa City Police Station, NCR Southern Police District at Bureau of Customs CIIS ay nauwi sa engkuwentro.


Kinilala ng awtoridad ang mga suspek na sina Jordan Sabandal Abrigo at Jayvee De Guzman na parehong nasawi sa operasyon.


Kabilang umano sa mga narekober ng awtoridad ay ang tatlong plastic ng Chinese teabags na may lamang 10 kilograms ng white crystalline substance na hinihinalang shabu na nagkakahalagang P68 million, isang black Nissan Cefiro na walang plate number, at two loaded cal.45 pistols.


Samantala, ayon sa imbestigasyon, miyembro ng sindikatong Divinagracia Drug Group ang dalawang suspek.


Saad pa ng PNP, “Investigation further revealed that the two drug suspects are members of the Divinagracia Drug Group led by Michael Divinagracia and a certain Jhonson, a Chinese national currently serving sentence at New Bilibid Prison.”


Pahayag pa ni Eleazar, “The said drug syndicate also operate in different areas of Visayas and Mindanao using cargo trucks travelling via RORO (roll on, roll off) from Batangas Port and received by their Muslim cohorts in the area.”


 
 

ni Mary Gutierrez Almirañez | May 10, 2021




Bumulagta sa basurahan ang 2 hinihinalang drug addict na napatay sa isinagawang follow-up operations ng mga awtoridad sa Barangay Kalawaan Pasig City nitong Linggo nang gabi, Mayo 9.


Ayon sa ulat, nanlaban umano ang suspek na si Arthur Abdul at ang kasama nitong lalaki na walang identification, kaya nauwi sa barilan ang operasyon. Nakuha sa mga suspek ang 22 kilo ng shabu na nagkakahalagang P149.6 milyon at ang kalibre .45 at .38 na baril.


Personal ding pumunta sa crime scene si Philippine National Police (PNP) Chief Police General Guillermo Eleazar upang mag-inspeksiyon.


Aniya, “Ito ay produkto ng coordination na ginagawa natin. In correction with the co-plan chain, kung saan pinagdudugtung-dugtong itong mga impormasyon na nakuha nila.”


Sa ngayon ay inaalam pa ang pagkakakilanlan ng isang napatay na suspek.

 
 

ni Lolet Abania | May 4, 2021




Arestado ang isang lalaki matapos makumpiskahan ng P3.4 milyong halaga ng hinihinalang shabu sa isinagawang buy bust operation ng mga kawani ng Philippine National Police (PNP) sa Malolos, Bulacan nu'ng Lunes nang gabi, ayon sa Bulacan Provincial Police Office.


Kinilala ni Bulacan Provincial Director Police Colonel Lawrence Cajipe ang suspek na si Alexander De Naga na nadakip sa isang operasyon sa Diversion Road, Barangay Mojon nang alas-11:30 kagabi.


Nakuha sa suspek ang dalawang piraso ng nakataling transparent plastic bags na naglalaman ng tinatayang 500 gramo ng shabu, isang asul na box, cellphone, at buy-bust money.


Sasampahan ng kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act ang suspek.


Dinala naman ang mga nakumpiskang shabu sa Bulacan Provincial Crime Laboratory Office para sa kaukulang eksaminasyon.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page