top of page
Search

ni Lolet Abania | June 18, 2021



Umabot sa P5 milyong halaga ng hinihinalang shabu ang nakumpiska ng mga awtoridad sa isang lalaki sa ikinasang operasyon sa Laoag City, Ilocos Sur.


Kinilala ng pulisya ang naarestong suspek na si Ronald Melchor na mula sa National Capital Region (NCR) habang sa northern Luzon regions nag-o-operate ng kanyang illegal drug activities.


Gayunman, itinanggi ito ng suspek at sinabing hindi niya batid na ang bag na ipinadala lamang umano sa kanya ay naglalaman ng ilegal na droga.


Nakadetine na ang suspek sa himpilan ng pulisya habang inihahanda ang kasong isasampa laban sa kanya.


 
 

ni Lolet Abania | June 11, 2021




Patay ang tatlong hinihinalang miyembro ng drug syndicate sa ikinasang operasyon ng pulisya sa Cebu City kagabi, ayon sa Philippine National Police (PNP).


Sa isang statement, kinilala ni PNP Chief Police General Guillermo Eleazar ang isa sa mga suspek sa alyas na “Levon.”


Sinabi ni Eleazar, nakaengkuwentro ng mga operatiba ng PNP at ng Philippine Drug Enforcement Agency ang mga suspek na bukod kay Levon, may dalawa pang hindi nakikilalang lalaki, sa Barangay Campo 4 sa Talisay City at Barangay Tap Tap sa Cebu City.


Ayon sa PNP, humantong sa sagupaan ang nasabing engkuwentro na nagresulta sa pagkamatay ng mga suspek.


Narekober sa mga suspek ang 10 malalaking pakete ng hinihinalang shabu na nasa 10 kilos na nagkakahalaga ng P68 milyon, isang itim na traveling bag, isang silver Toyota Vios, isang mahaba at 2 maiksing baril.


Ang mga nakumpiska ay dinala na sa PNP-Drug Enforcement Group Special Operation Unit 7 para sa dokumentasyon at proper disposition.


“The PNP remains steadfast, under the PNP Intensified Cleanliness Policy, in fighting the bigger war on illegal drugs without let-up,” ani Eleazar.


“The PNP offers no compromise for anyone found to be involved in illegal drugs activities. We remain constantly working with PDEA to crush the real enemy,” dagdag niya.


 
 

ni Mary Gutierrez Almirañez | June 4, 2021




Limang magkakahiwalay na plantasyon sa Benguet ang sinuyod ng mga awtoridad, kung saan 6,300 tanim ng marijuana o nagkakahalagang P1.2 million ang sinira ng Philippine National Police (PNP) at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) nitong Huwebes, ayon kay PNP Chief Police General Guillermo Eleazar.


Sabi pa ni Eleazar, "As part of Cleanliness in the Community aspect of our Internal Cleanliness Policy, our marijuana eradication operation nationwide will continue.”


Samantala, mahigit 150 gramo o nagkakahalagang P1,020,000 shabu naman ang nasabat ng PNP at PDEA sa Tagbilaran City, Bohol mula sa 51-anyos na si Palawan Macaorog.


“The Philippine National Police will continue to strengthen its operational capacity to step-up the campaign against illegal drugs in the country under our Intensified Cleanliness Policy,” giit pa ni Eleazar.


Dagdag niya, “We will never lower our guard against the drug syndicates, rather we will reinforce our coordination with our partner agencies especially with the Philippine Drug Enforcement Agency that has been at the forefront of this war on drugs.”


 
 
RECOMMENDED
bottom of page