top of page
Search
  • BULGAR
  • Jan 7, 2024

ni Eli San Miguel - Trainee @News | January 7, 2024




Inaresto ng pulisya ang tatlong indibidwal at nasamsam ang higit sa P8.2 milyong halaga ng ilegal na droga sa Naga City, Camarines Sur ngayong Linggo.


Sinabi ni Senior Master Sergeant Tobias Bongon, tagapagsalita ng pulisya sa Naga City, sa isang ulat na isinagawa ang buy-bust operation sa Barangay Mabolo alas-9:36 ng umaga at dito na naaresto sina Jamel Daligdig, 24; Sobranel Paycana, 39; at kamag-anak niyang si John Carlo Paycana, 22.


Ayon kay Bongon, residente ang mga suspek sa bayan ng Cabuyao sa Laguna at itinuturing na mga suplayer ng ilegal na droga sa ilang bahagi ng rehiyon ng Bicol.


Nakumpiska ng mga otoridad ang halos 1,210 gramo ng shabu at P140,000 na perang ginamit sa buy-bust.


Ipinapataw sa kanila ang mga kaso para sa paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

 
 

ni Lolet Abania | May 4, 2021




Arestado ang isang lalaki matapos makumpiskahan ng P3.4 milyong halaga ng hinihinalang shabu sa isinagawang buy bust operation ng mga kawani ng Philippine National Police (PNP) sa Malolos, Bulacan nu'ng Lunes nang gabi, ayon sa Bulacan Provincial Police Office.


Kinilala ni Bulacan Provincial Director Police Colonel Lawrence Cajipe ang suspek na si Alexander De Naga na nadakip sa isang operasyon sa Diversion Road, Barangay Mojon nang alas-11:30 kagabi.


Nakuha sa suspek ang dalawang piraso ng nakataling transparent plastic bags na naglalaman ng tinatayang 500 gramo ng shabu, isang asul na box, cellphone, at buy-bust money.


Sasampahan ng kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act ang suspek.


Dinala naman ang mga nakumpiskang shabu sa Bulacan Provincial Crime Laboratory Office para sa kaukulang eksaminasyon.


 
 

ni Mary Gutierrez Almirañez | March 14, 2021




Nagsanib-puwersa ang Philippine Drug Enforcement Agency-Northern Mindanao, National Bureau of Investigation (NBI) at mga pulis sa isinagawang buy-bust operations sa bayan ng Pantar, Lanao del Norte kung saan nasabat ang mahigit P6.8 milyong halaga ng shabu mula sa dalawang tulak kaninang umaga, Marso 14.


Ayon sa ulat, ang suspek ay isang lalaki na hinihinalang internally-displaced person mula sa Marawi siege at isang 21-anyos na babaeng estudyante.


Kilala umano ang mga ito bilang batikan sa pagbebenta ng droga sa nasabing lugar.


Kaugnay nito, nasabat din ang 10 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P68,000 sa hiwalay na operasyon sa Barangay Hinaplonan sa Iligan City kung saan anim ang inaresto. Kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang haharapin ng mga suspek.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page