top of page
Search

ni Mary Gutierrez Almirañez | March 20, 2021




Inaasahang darating sa bansa ang tinatayang 2.3 milyong doses ng bakuna kontra COVID-19 ngayong Marso at Abril, ayon sa panayam kay Vaccine Czar Secretary Carlito Galvez, Jr. kaninang umaga, Marso 20.


Aniya, “Meron tayong parating na 400,000 this coming March 24, and then meron pa ring parating na 1 million this coming March 29. So meron tayong 1.4 million and then may paparating pa tayo na 979,200 AstraZeneca from COVAX naman po 'yun.”


Inaasahan ding sa Abril ang pagdating ng 4 milyong doses ng Sputnik V at Sinovac COVID-19 vaccines na nakalaan para sa mga senior citizen na kabilang sa category A2.


Paliwanag pa niya, ang category A1 hanggang A4 ay ang listahan ng mga nasa priority sa ilalim ng vaccination program. Giit niya, “Kasi 'yung private sector po, 'yung kanilang frontliners, nasa A4. Ang gagawin po namin ng national government at local government, we will concentrate on A1, A2, A3 and then the private sector will concentrate on their frontliners sa A4.”


Dagdag pa niya, posible ring dumating sa Mayo ang mahigit 20 milyong doses ng Moderna COVID-19 vaccines.


“Sa Moderna, nai-close na natin ang deal for 20 million pero 'yun po ay May pa madadala ang bakuna sa atin. 'Pag nag-close po tayo ng deal, umaabot po ‘yan ng 4 to 6 months ang preparatory ng production.”


Ipinaliwanag din niya, hindi puwedeng madaliin ang pagbabakuna sa bansa dahil bago lamang ang mga bakuna at kailangan pang obserbahan ang adverse reaction sa mga nabakunahan.


Sabi pa niya, “Ang mga ospital pa lang ang nagbabakuna. 'Pag nagbakuna na mga LGU ay kayang-kaya natin ang 1 million sa isang linggo.”


 
 

ni Lolet Abania | November 22, 2020




Iminungkahi ng International Labour Organization (ILO) ang pagpapaigting ng pension system sa mga bansa tulad ng Pilipinas upang makatulong sa mga mamamayan nito sa nararanasang pandemya.


Ayon kay Nuno Meira Cunha, senior specialist ng social protection sa ILO, kahit mayroon ang bansa tulad ng Social Security System (SSS), hindi ito sapat para suportahan ang lahat ng senior citizens.


"This creates a challenge not only for pension schemes but also for families. Today we see it's really hard for families to take care of their elderly, and if we don't have schemes in place to protect those workers when they get old we're probably going to face a big problem in the future," sabi ni Cunha.


Dagdag niya, dapat pag-aralan ng gobyerno ang gagawing universal pension na mabibigyan ng pensiyon ang mga senior citizens kahit walang inihulog sa SSS o ibang institusyon gaya ng Government Service Insurance System (GSIS).


Paliwanag ni Cunha, malaki ang maitutulong nito sa ekonomiya sa mga susunod na taon, kahit pa magiging magastos ito sa umpisa.


"That's probably a first step, if you want a low-hanging fruit, to ensure that everyone has some level of protection. Because even during a crisis, this also allows you, if you have already this level of protection, you want to inject money into the economy, that's also a solution," ayon kay Cunha.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page