top of page
Search

ni Lolet Abania | July 12, 2021


Nasa 3.2 milyong doses ng Johnson and Johnson (J&J) COVID-19 vaccines ang nakatakdang ideliber sa bansa sa July 19, 2021.


Ayon kay Department of Health (DOH) Undersecretary Myrna Cabotaje, ang 3.2 milyong J&J vaccine doses ay donasyon mula sa gobyerno ng United States sa pamamagitan ng global aid COVAX Facility na gagamitin para sa mga senior citizens at persons with comorbidities.


“The directive from [vaccine czar] Secretary [Carlito] Galvez is to use the J&J largely on senior citizens since that will be very convenient for senior citizens and those residing in far flung areas,” ani Cabotaje sa Laging Handa forum ngayong Lunes.


Hindi tulad ng ibang brands, ang J&J vaccine ay isang single-dose vaccine lamang. Aniya pa, sakaling mai-deliver, ito ang kauna-unahang J&J shipment na darating sa Pilipinas.


Samantala, sinabi ni Cabotaje na ang mahigit sa 3 milyon ng two-dose AstraZeneca COVID-19 vaccine na dumating sa bansa noong nakaraang linggo, kung saan ang 1 milyong doses ay donasyon ng Japan, ay nakalaan sa NCR Plus 8, 1.5 milyong doses naman para sa second dose ng mga indibidwal at ang natitirang 500,000 doses ay ibibigay sa iba pang lugar sa buong bansa.


Gayundin, ayon sa kalihim, nagbigay ng direktiba si Chief Implementer at Vaccine Czar Secretary Carlito Galvez, Jr. na ang COVID-19 vaccines ay dapat nang ipamahagi sa Basilan, Sulu at Tawi-Tawi provinces, na may malalayong borders at sa gitna ng pagtaas ng bilang ng kaso ng transmissible na Delta variant sa kalapit na bansang Malaysia at Indonesia.


Ipinahayag din ni Cabotaje na umabot na sa 13 milyong indibidwal ang nabakunahan, habang 3.52 milyon naman ang mga fully vaccinated.


 
 

ni Ronalyn Seminiano Reonico | June 11, 2021



Puwede nang lumabas ng bahay ang mga senior citizens na nakatanggap na ng kumpletong bakuna laban sa COVID-19 sa mga lugar na nasa ilalim ng general community quarantine (GCQ) at Modified GCQ (MGCQ).


Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque ngayong Biyernes, napagdesisyunan ito ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases (IATF) sa isinagawang pagpupulong noong Huwebes.


Saad pa ni Roque, "Subject ito sa mga kondisyon tulad ng pagdadala ng duly issued vaccination card at pagsunod sa minimum heath protocols.”


Samantala, limitado pa rin ang pagbibiyahe para sa mga senior citizens maliban lamang sa mga point-to-point travel, ayon kay Roque.


Hinikayat din ni Roque ang iba pang senior citizens na magpabakuna na laban sa COVID-19.


 
 

ni Ronalyn Seminiano Reonico | May 31, 2021



Nanawagan ang National Commission of Senior Citizens (NCSC) sa pamahalaan na payagan nang lumabas ng bahay ang mga senior citizens na fully vaccinated na laban sa COVID-19.


Pahayag ni NCSC Chairperson Franklin Quijano, "We are for giving the seniors a safe space. Groceries, malls and pharmacies are cleaned up every day, so the seniors can be allowed for the first two hours [of their operation] in the morning... Just the seniors so they can spend their money and help our economy rebound amid the pandemic.


"The senior citizens are part of nation building.”


Dapat na rin umanong payagan ang mga senior citizens na lumabas ng bahay para sa kanilang kalusugan katulad ng pag-eehersisyo.


Aniya pa, "This can allow them to do exercise, as well as for their mental and psychological health.


"Nasa dapithapon na po ang mga senior citizens. Ipahiram n’yo po ang umaga.”


 
 
RECOMMENDED
bottom of page