top of page
Search

ni Lolet Abania | January 31, 2022



Aprubado na ng House of Representatives ngayong Lunes, sa kanilang ikatlo at huling pagbasa ang panukala na naglalayong magbigay ng karagdagang benepisyo sa mga Filipino centenarians.


Nakakuha ng 193 affirmative votes ang House Bill 10647, sa ginanap na plenary session ng mga mambabatas.


Nakasaad sa nasabing panukala na lahat ng Filipino centenarians o iyong umabot na sa edad 101 ay makatatanggap ng cash gift na halagang P1 million sa kanilang kaarawan.


Ang centenarian ay tatanggap din ng isang felicitation letter mula sa Pangulo.


Gayundin, ang lahat naman ng Pilipino na aabot sa edad 80, 85, 90, at 95 ay makatatanggap ng P25,000, bukod pa sa isang letter of felicitation mula sa Pangulo.


Nakapaloob din sa bill na pangungunahan ito ng National Commission of Senior Citizens, na siyang ahensiyang magpapatupad nito.


 
 

ni Jasmin Joy Evangelista | November 29, 2021



Nasa 3 milyong senior citizens pa ang hindi nababakunahan kontra-COVID-19, ayon kay vaccine czar Carlito Galvez Jr.


“Nakita natin 'yung mga nabakunahan is more or less 62%. Meaning, mayroon pa tayong more or less na 3 million na senior na 'di pa nababakunahan," ani Galvez.


As of November 27, nakatala sa National COVID-19 Vaccination Dashboard na 4.4 million seniors na ang nakatanggap ng first dose habang 5.1 million naman ang fully vaccinated. Nasa 48,491 senior citizens naman ang nakatanggap ng kanilang booster dose.


Sa kabila ng marami pa rin sa mga senior citizens ang hindi pa nababakunahan kontra-COVID-19, sinabi ni Galvez na ang mga local government units ay nagpapatupad naman ng mga istratehiya tulad ng pagbibigay ng incentives at pagbabahay-bahay sa pagbabakuna.


Makakatulong din aniya para mahikayat ang mga nakatatanda na magpabakuna kung magkakaroon ng restrictions sa galaw ng mga hindi pa bakunado.


"May tinatawag na mandating senior citizens na kapag i-allow natin yung mga vaccinated seniors puwede silang lumabas and then we will restrict those senior na di makapag-vaccinate," pahayag ni Galvez.

 
 

ni Ronalyn Seminiano Reonico | August 3, 2021



Pahirapan ang pagbabakuna sa mga senior citizens dahil umano sa "hesitancy", ayon kay Secretary Carlito Galvez, Jr.. Ani Galvez sa weekly Cabinet meeting, "Mr. President, ang talagang medyo challenge natin, sa mga senior citizens.


Nakita natin na hindi umaangat ang first dose natin... dahil sa some sort of hesitancy sa ating mga A2."


Ayon sa datos ng pamahalaan, nasa 2,616,273 pa lamang ang mga fully vaccinated nang mga senior citizens at sa kabuuang bilang ay umabot na sa 9,115,963 ang mga Pinoy na nakakumpleto na ng bakuna habang 11,747,581 naman ang nakatanggap na ng first dose.


Samantala, ayon kay Galvez, sa kabila ng pag-aalangan, plano pa rin ng pamahalaan na maipamahagi ang 5 million doses ng bakuna sa mga senior citizens.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page