ni Ronalyn Seminiano Reonico | January 12, 2021
Bumuwelta si Senator Panfilo Lacson sa naging pahayag ni Presidential Spokesperson Harry Roque na hindi umano puwedeng magpakapihikan ang mga Pinoy sa COVID-19 vaccines.
Saad ni Roque, “Totoo po, meron tayong lahat na karapatan para sa mabuting kalusugan pero hindi naman po puwede na pihikan dahil napakaraming Pilipino na dapat turukan."
Aniya pa, “Wala pong pilian, wala kasing pilitan. Pero magsa-sign ka ng waiver na hindi ka nagpaturok at kapag ikaw ay prayoridad, siyempre, mawawala ang prayoridad mo, sasama ka sa the rest ng taumbayan na naghihintay ng bakuna.
“So, tama lang naman po ‘yan, walang pilitan kasi hindi naman natin makokontrol talaga kung ano ang darating at libre po ito.”
Samantala, post naman ni Lacson sa Twitter, “Cockiness has no place in a pandemic situation. Instead of building people’s confidence by starting with a higher efficacy vaccine and accomplish its intended purpose, to tell them they can’t be choosy is definitely not a smart information campaign to promote mass inoculation.”