Binay
ni Ronalyn Seminiano Reonico | June 22, 2021
Matapos magbabala ni Pangulong Rodrigo Duterte na ipaaaresto niya ang mga ayaw magpabakuna, sinabi ni Senator Nancy Binay na ang suplay ng vaccines ang “biggest problem” kaya marami pa rin ang hindi nababakunahan.
Sa isang panayam, saad ni Binay, “May problema tayo sa supply. It’s not as if ayaw ng mga kababayan nating magpabakuna.”
Sinabi rin ni Binay na maraming Pilipino na maagang nagpupunta sa mga vaccination centers para lang makahabol sa cut-off.
Aniya, “Madaling-araw pa lang pumipila na sila ru’n sa vaccination centers para ‘di sila abutan ng cut-off.
“So at this point, I think vaccine hesitancy is not the problem, vaccine supply is the biggest problem so we need to arrest that.”
Gayunpaman, aniya ay mayroon talagang mga indibidwal na nag-aalinlangang magpabakuna.
Ngunit ayon kay Binay, ang kakulangan sa suplay ng bakuna ang dapat binibigyang-pansin ng pamahalaan bago ang pagpapaaresto sa mga Pilipinong ayaw magpabakuna.
Aniya pa, “At this point, nandiyan pa rin ‘yung vaccine hesitancy but for me, ‘yung urgent need right now is to have more supply of the vaccine.”