ni Mary Gutierrez Almirañez | May 31, 2021
Bukas ang posibilidad sa pagtakbo bilang bise-presidente ni Senate President Tito Sotto sa parating na 2022 national elections, batay sa naging panayam sa kanya ngayong umaga, May 31.
Ayon kay Sotto, "I have to admit I’m thinking about it unlike other politicians who say they’re not running but on the day of registration, nangunguna… What will make me run? If we can upgrade the vice-president into something. For example if the vice-president will be handling the problem in illegal drugs and drug abuse."
Sinabi rin ni Sotto na si Senator Panfilo Lacson ang gusto niyang maging runningmate.
Aniya, “If I do consider it, the number 1 on my list would be Senator Lacson, I know his capabilities. I know what he can do for the country. If he runs for president, I will support him."
Samantala, kinumpirma naman ni Senator Imee Marcos na nakipagkita sila ng kapatid na si former Senator Bongbong Marcos kay Davao Mayor Sara Duterte-Carpio.
Paglilinaw naman ng senadora, pumunta silang magkapatid sa Davao City kahapon, May 30, upang batiin ito ng "advance happy birthday" at hindi para pag-usapan ang 2022 national elections.
Sabi pa ni Senator Imee, "Nah, walang pulitika. ‘Yung posisyon, ‘di ko alam kasi 'di pa kami nag-uusap... Pero alam ko, tatakbo siya.”
"BBM (Bongbong Marcos) and I went to greet her an early happy birthday yesterday. Atty. Mans (Manases Carpio), her hubby, treated us to lunch," giit niya.