top of page
Search

ni Gina Pleñago | June 4, 2023




Umani ng papuri sa local government unit (LGU) ang Drayberks B.I S.A ng Metro Pacific Tollways South (MPT South), ang concessionaire para sa Manila-Cavite Expressway (CAVITEX), ang 5 Link segment nito, at ang Cavite-Laguna Expressway (CALAX).


Matagumpay ang paglulunsad ng Drayberks B.I.S.A (Buhay Ingatan, Sasakya'y Alagaan) Caravan katuwang ang Cavite State University (CvSU) para sa selebrasyon ng Road Safety Month noong Mayo.


Layon ng caravan na magbigay kaalaman sa mga motorista patungkol sa road safety: self-safety, vehicle safety at road worthiness, at ligtas na pagmamaneho.


Isinagawa ito sa Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITX), SM City Bacoor, at SM City Santa Rosa na dinaluhan ng mga public at private drivers, traffic enforcers, mall goers, at maging mga estudyante.


Ipinakita sa seminar ang kahalagahan ng pag-aalaga ng sasakyan at pag-trouble shoot dito na mahalaga para sa kaligtasan sa daan.


"Sa pamamagitan ng pagbibigay ng mahahalagang kasanayan at kaalaman sa mga indibidwal, patuloy na naghahatid ng serbisyo ang MPT South sa pagpapaunlad ng kultura ng responsable at ligtas na pagmamaneho para sa lahat," ani Mr. Raul L. Ignacio, President at General Manager ng MPT South.


 
 

ni Ronalyn Seminiano Reonico | December 4, 2020



Maaari na muling magsagawa ng workshops, trainings, seminars, atbp. aktibidad sa mga lugar na nasa ilalim ng general community quarantine (GCQ) kabilang na ang Metro Manila, sa 30% capacity.


Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, napagkasunduan umano ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) na bukod sa workshops, trainings at seminars, papayagan na ring makapagsagawa ng “congresses, conferences, board meetings, colloquia, conclaves, symposia, and consumer trade shows.”


Saad ni Roque, "The above mentioned events must be held in venues in areas under General Community Quarantine (GCQ) and will be permitted up to 30% venue capacity." Nakikipag-ugnayan na rin umano ang IATF sa Department of Tourism (DOT) at Department of Trade and Industry (DTI) upang maglabas ng guidelines para rito.


Bukod sa Metro Manila, isinailalim din sa GCQ ang Batangas, Iloilo City, Tacloban City, Lanao del Sur, Iligan at Davao City, at modified GCQ naman sa iba pang lugar sa bansa.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page