top of page
Search

by Info @Brand Zone | April 6, 2023




Mang Inasal, the country's Grill Expert, will be open this Holy Week for customers to enjoy their Ihaw-Sarap and Unli-Saya moments, whether dine-in, takeout, or delivery.

Check here the list of Mang Inasal stores that will operate from Maundy Thursday to Black Saturday (April 6 to 8).

Want more Mang Inasal exclusives NOW? Visit www.manginasal.com for the latest updates, https://manginasaldelivery.com.ph for delivery deals, and follow Mang Inasal on social media!

 

Visit us at: www.manginasal.com

 
 

ni Jeff Tumbado | April 4, 2023



Tiniyak ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na magiging maayos ang pagbiyahe ng publiko sa kanilang mga destinasyon ngayong Semana Santa.

Ayon kay LTFRB Chairman Teofilo Guadiz III, noong nakaraang linggo pa lamang ay ipinakalat na ng mga regional director ng LTFRB sa lahat ng regional office ang kanilang mga enforcer upang matiyak ang maayos at mahusay na daloy ng pasahero sa mga pampublikong terminal sa bansa.

Iginiit ni Chairman Guadiz na magsasagawa ng inspeksyon ang mga enforcer sa mga tsuper at konduktor upang siguraduhin na mananatiling alerto at maayos ang kanilang pag-iisip at katawan sa oras ng pamamasada sa pamamagitan ng pagsusuri kung nakainom ba ang mga ito ng alak o ipinagbabawal na droga.

Susuriin din ng mga enforcer ang mga public utility bus (PUB) upang masiguro na hindi ito kolorum at ligtas pa itong pumasada.


Titiyakin din ng mga enforcer na nasusunod ang mga umiiral na public health safety protocol sa loob ng pampublikong sasakyan dahil nananatiling nasa state of national public health emergency ang bansa.


Naglabas na rin ang LTFRB ng Special Permits para sa 743 units upang matiyak na mayroong sapat na PUB na magsisilbi sa mga pasaherong pupunta sa kani-kanilang probinsya.


 
 

ni Mylene Alfonso | April 3, 2023




Pinaalalahanan ang mga pulis at coast guard personnel na gampanang mabuti ang trabaho ngayong Semana Santa.


“Paalala natin na masusing iniinspeksyon ng mga pulis ang mga public transport bago umalis ng terminal to check if safe ito bumiyahe,” ani House Speaker Martin Romualdez.


Dapat umanong tiyakin ng Coast Guard personnel na hindi overloaded ang mga sasakyang pantubig at dapat may mga life vests.


“Accidents can be prevented kung uunahan ng mga maintenance at inspeksyon,” dagdag ni Romualdez.


“Dapat wala na o mabawasan ang mga sakuna ‘pag ganitong panahon dahil we have this long Semana Santa break every year,” pahabol ni Romualdez.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page