ni Seigusmundo Del Mundo - @Panaginip, salamin ng inyong buhay | October 10, 2020
Salaminin natin ang panaginip ni Ronald na ipinadala sa Facebook Messenger.
Dear Professor,
Sumakit ang tiyan ko last week, tapos kagabi napanaginipan ko na may sakit ako sa kidney. Dinala ako ng misis ko sa ospital, tapos sabi ng doktor, may diperensiya ang kidney ko at kailangan akong operahan.
Hanggang ngayon, natatakot ako. Ano ang dapat kong gawin dahil hindi maalis sa isip ko ang aking panaginip?
Naghihintay,
Ronald
Sa iyo, Ronald,
Ang una mong gawin, magpatingin ka sa doktor nang malaman mo kung may diperensiya nga ang kidney mo. Kung panaginip mo lang ang ating pagbabasehan, wala kang sakit sa kidney at ang mayroon ay ang tinatawag na simple panic attack.
Kapag ang tao ay mahina ang loob, takot magkasakit at takot sa doktor, siya ay nenerbiyusin kahit nakaramdam lang ng hindi maganda sa katawan at ang masama pa sa ganito, siya mismo ang magbibigay ng sakit sa sarili niya at minsan ay grabe ang sakit na sinabi niya na mayroon siya.
Dahil simple panic attack ang sumaiyo, sa maniwala ka o hindi, ang isasagot sa iyo ng doktor ay wala kang sakit dahil ito ay nerbiyos.
Hanggang sa muli,
Professor Seigusmudo del Mundo