ni Jasmin Joy Evangelista | October 15, 2021
Ginawaran si Education Sec. Leonor Briones ng Lifetime Contributor Award for the public sector sa ginanap na 12th Asia CEO Awards nitong Martes (Okt. 12).
Ito ay para sa kanyang natatanging kontribusyon sa papapaunlad ng bansa at pagtugon sa mga hamon sa pangunahing edukasyon.
“On behalf of the executives of the public sector who spend their lives serving, giving service to our people, and sacrificing, I humbly accept this award,” ani Briones.
“I would like to thank the Asia CEO Awards for this honor, for recognizing the complementarity between and among the public sector and private sector executive leadership,” dagdag niya.
Ang Lifetime Contributor Award ang pinakamataas na karangalan sa ASIA CEO Awards, na kumikilala sa mga pinuno at tagapagtaguyod sa bansa para sa kanilang mga natatanging tagumpay at kontribusyon sa bansa.
Ayon sa Puno ng Edukasyon, ikinagagalak niya na ang pribado at pampublikong sektor ay nagkaisa sa isang adhikain sa pagsisilbi sa bansa.
“We used to think of each other separately because we thought we had different goals, but we now see a congruence, a convergence in the meeting of our common goals, especially at this time of the pandemic. There is a recognition that executive leadership, wherever it is in the public sector or private sector, serves the country, serves the Filipino, and in the case of education, serves the learners and the children,” aniya.
Ang Asia CEO Awards ay naglalayong itaguyod ang kahusayan sa pamumuno at pagtutulungan sa loob ng mga organisasyon at pagpapakita ng nakamit ng mga Pilipino sa larangan ng negosyo sa business leaders ng mundo.