top of page
Search

ni Mary Gutierrez Almirañez | April 23, 2021




Nabakunahan na kontra COVID-19 si Department of Health (DOH) Secretary Francisco Duque III gamit ang bakunang Sinovac ng China, ngayong umaga, Abril 23.


Aniya, “As I receive my dose of the COVID-19 vaccine today, I invite everyone to do the same, and choose to be protected.”


Si Duque ay isang senior citizen at kamakailan lang nang pahintulutan ng Food and Drug Administration (FDA) ang pagbabakuna ng Sinovac sa mga matatanda dahil sa kakulangan ng suplay ng AstraZeneca.


Base sa huling tala ng DOH, tinatayang 1,612,420 indibidwal na ang mga nabakunahan kontra-COVID-19, kung saan 214,792 ang mga nakakumpleto sa dalawang dose at 1,397,628 naman para sa unang dose.

 
 

ni Mary Gutierrez Almirañez | April 12, 2021



Gaganapin sa ‘Pinas ang clinical trial ng bakunang EuCorVac-19 na gawa ng South Korea upang labanan ang lumalaganap na COVID-19 pandemic, ayon sa Glovax Biotech Corporation ngayong araw, Abril 12.


Ayon kay CEO Giovanni Alingog, “The reason we wanted to do a clinical trial in the Philippines is most of the companies that were given EUA (emergency use authorization) in our country have not done a clinical trial locally. The reason we wanted to trial locally is to show, for ethnicity purposes, for Filipinos, that the vaccine is also effective and safe.”


Ngayong Abril ay nakatakdang isagawa ang combined phase 1 at phase 2 trial ng EuCorVac-19.


Batay pa sa pag-aaral, nagtataglay ito ng 91% hanggang 95% na efficacy rate.


Dagdag ni Alingog, “Because of the emergency purposes or the need of vaccine, we are asking the clinical research organizations and our FDA (Food and Drug Administration) to fast-track a bit our clinical trial so we can serve the Filipino people with a quality and safe vaccine from Korea.”


Samantala, iginiit naman ni Department of Health (DOH) Secretary Francisco Duque III na nakikipagtulungan na rin ang Glovax sa Department of Science and Technology (DOST) upang makapag-develop ang ‘Pinas ng sariling bakuna kontra COVID-19.


Sa ngayon, ang may emergency use authorization (EUA) pa lang na bakuna ay ang Pfizer-BioNTech, AstraZeneca, CoronaVac ng Sinovac, at ang Sputnik V ng Gamaleya Institute.



 
 

ni Mary Gutierrez Almirañez | April 7, 2021




Pinalagan ni Senator Nancy Binay ang ribbon-cutting ceremony sa binuksang Quezon Institute Offsite Modular Hospital na pinangunahan nina Senator Bong Go, Department of Health Secretary Francisco Duque III at Vaccine Czar Carlito Galvez, Jr. sa Quezon City kahapon, Abril 6.


Komento ni Binay, "Pakiusap, kung puwedeng buksan na lang para magamit agad. Sayang lang ang oras sa ribbon-cutting at photo ops. These things are unnecessary and leave a bad taste for families of Covid patients who are racing against life and time.”


Binuksan ang bagong pasilidad bilang extension ng Jose R. Reyes Memorial Medical Center dahil sa patuloy na pagdami ng mga pasyenteng naa-admit sa ospital dulot ng COVID-19.


Sa ngayon, tinatayang 110 na pasyente ang kayang i-accommodate ng modular hospital mula sa referral ng One Hospital Command at hindi muna umano tatanggap ng mga walk-in patients.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page