ni Mary Gutierrez Almirañez | May 28, 2021
Prayoridad na ring mabakunahan kontra COVID-19 ang mga empleyadong naka-assign sa isolation facilities at quarantine hotels o maituturing na tourism frontliners sa ilalim ng A1 priority group, batay sa Department of Tourism (DOT) ngayong araw, May 28.
Ayon kay DOT Secretary Bernadette Romulo-Puyat, inaprubahan ng Inter-Agency Task Force for the Management of the Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) ang rekomendasyon nila na itaas ang pagiging prayoridad ng mga nasabing empleyado dahil araw-araw nilang nakakasalamuha ang mga naka-quarantine na posibleng positive sa COVID-19.
Aniya, "It is high time that we protect our tourism frontliners knowing that they are risking their lives each time they show up in the designated quarantine and isolation hotels."
Dagdag niya, "This move shows the government's commitment to protect them. Not only will this decision help ensure the survival of the tourism industry, this will also hasten the country’s economic recovery.”
Maliban naman sa tourism frontliners ay prayoridad na rin sa bakuna ang mga paalis na Pinoy papuntang abroad para magtrabaho o ang mga outbound overseas Filipino workers (OFW).
"The IATF moved to Priority Group A1 the outbound overseas Filipino workers for deployment within the next four months from the intended date of vaccination," sabi pa ni Presidential Spokesperson Harry Roque.
Sa ngayon ay tinatayang 2,507 tourism frontliners na ang nabakunahan kontra COVID-19. Samantala, umakyat na sa mahigit 4.7 million ang kabuuang bilang ng mga nabakunahan sa ‘Pinas.
Giit ni Department of Health (DOH) Undersecretary Maria Rosario Vergeire, "We were able to vaccinate already almost 4.7 million individuals. We are averaging 100,000 jabs per day.”