top of page
Search

ni Ronalyn Seminiano Reonico | May 9, 2021



Nagpositibo sa paralytic shellfish poison (PSP) o toxic red tide ang ilang (18) lugar sa bansa, ayon sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR).


Sa latest shellfish bulletin base sa laboratory results ng BFAR, ang lahat ng uri ng shellfish at acetes o alamang mula sa Puerto Princesa Bay, Puerto Princesa City sa Palawan; coastal waters ng Dauis at Tagbilaran City sa Bohol; Tambobo Bay, Siaton sa Negros Oriental; coastal waters ng Calubian sa Leyte; Balite Bay, Mati City sa Davao Oriental; Lianga at Bislig Bays, at coastal waters ng Hinatuan sa Surigao del Sur ay positibo sa PSP “that is beyond the regulatory limit.”


Gayundin naman ang coastal waters ng Daram Island, at Zumarraga, Cambatutay at Villareal Bays sa Western Samar; coastal waters ng Leyte, Carigara at Ormoc Bays, at Cancabato Bay, Tacloban City sa Leyte; coastal waters ng Biliran Islands; at Murcielagos Bay sa Zamboanga del Norte.


Ayon sa BFAR, hindi ligtas kainin ang lahat ng uri ng shellfish at acetes o alamang sa mga nasabing lugar.


Saad pa ng BFAR, “All types of shellfish and Acetes sp. or alamang gathered from the areas shown above are NOT SAFE for human consumption.


“Fish, squids, shrimps and crabs are safe for human consumption provided that they are fresh and washed thoroughly, and internal organs such as gills and intestines are removed before cooking.”

 
 

ni Lolet Abania | February 23, 2021



Nagbabala ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) Region II sa mga residente na nasa coastal area laban sa pangunguha ng iba-ibang uri ng nakalalasong alimango matapos maiulat na namatay ang dalawang bata na nakakain nito noong nakaraang linggo.


Ayon sa ulat, ang dalawang bata ay nasawi makaraang makakain ng isang uri ng nakalalasong alimango na Zosimus aeneus o devil reef crab sa Sta. Ana, Cagayan.


“Isa po siyang nakakalason na crab. Nagtataglay ito ng mga toxins, for example, neurotoxins, mayroon siyang saxitoxin which is kapag nakain itong crab na ito ay talagang magdudulot po ng food poisoning,” sabi ni BFAR Region II officer-in-charge Dr. Jefferson Soriano.


“Base kasi sa sinubmit sa ating samples, maaaring itong species na ito ay naihalo doon sa mga nakuha nila so hindi nila na-identify, na-distinguish itong crab na ito which is poisonous,” dagdag ni Soriano.


Sinabi ni Soriano na ang nangyari sa dalawang bata ay ikalawang naitalang kaso ng food poisoning kung saan kumain ng seafoods sa Sta. Ana town. “The last time is ‘yung ‘buging’ which is isang klase ng goby fish naman which is pareho lang silang nagtataglay ng lason,” sabi ng opisyal.


Ayon pa sa BFAR, ang pagkalason sa devil reef crab ay maaaring pumatay agad sa isang indibidwal ng halos oras lamang. Kabilang sa mga sintomas na mararamdaman ng isang indibidwal matapos na makakain ng poisonous crab ay ang mga sumusunod: • pamamanhid ng dila • paralysis ng mga kamay at mga paa • nahihirapang huminga


 
 
RECOMMENDED
bottom of page