top of page
Search

ni Lolet Abania | May 30, 2021




Isang 43-anyos na lalaking pasahero ang hinahanap ng search-and-rescue teams matapos masagip ang iba pang sakay ng isang malaking ferry nang ito ay magliyab sa Indonesia kagabi.


Ang ferry na KM Karya Indah ay patungo ng Sanana, isang malayong pantalan sa bahagi ng hilagang-silangan sa Indonesia, nang bigla na lang mag-apoy.


Ilang minuto pa lang itong nakakaalis mula sa pantalan, sumiklab ang ferry habang ang mga pasaherong sakay nito ay nagtalunan sa dagat para makaligtas sa sunog.


Wala namang naitalang nasawi sa insidente. “There were 275 people on board, 274 had been evacuated safely," ani Muhammad Arafah, ang head ng local search-and-rescue team, sa Kompas TV, isang news network sa lugar ngayong Linggo.


“One person, a 43-year-old man, is still being searched for,” dagdag ni Arafah, kung saan tinatayang 35 sa mga pasahero ay mga bata.


Maraming rescuers ang patuloy na naglilibot sa lugar para hanapin ang pasaherong nawawala. Sa inilabas na mga larawan ng search-and-rescue agency, kitang-kita na ang malaking ferry boat ay nabalot ng makapal at napakaitim na usok, habang nasagip naman ang mga pasahero na nakasuot ng life jackets na nakasakay na sa balsa.


Mahigit isang dosenang crew members naman ang nakadetine at sinisiyasat ng mga local police upang alamin sa mga ito ang naging dahilan ng sunog.


Karaniwan na ang mga aksidente sa karagatan ng Indonesia dahil sa mahinang safety standards na kanilang ipinatutupad. Gayunman, ang mga passenger ferries ang madalas na gamiting transportasyon ng mga residente dahil sa isang arkipelago na may 17,000 islands ang nasabing bansa.


 
 

ni Ronalyn Seminiano Reonico | May 23, 2021




Patay ang 21 runners na dumalo sa 100-kilometer mountain race sa China matapos salubungin ng hailstones, ice rains at malakas na hangin sa high-altitude track ang mga ito.


Ang naturang race ay ginawa sa Yellow River Stone Forest malapit sa Baiyin City, northwestern ng Gansu province bandang 1 PM noong Sabado. Pahayag ni Baiyin City Mayor Zhang Xuchen, “At around noon, the high-altitude section of the race between 20 and 31 kilometers was suddenly affected by disastrous weather. In a short period of time, hailstones and ice rain suddenly fell in the local area, and there were strong winds. The temperature sharply dropped.”


Kaagad naman umanong nagpadala ang mga marathon organizers ng rescue team matapos mapag-alaman ang insidente. Bandang alas-2 nang hapon, lumala pa umano ang weather conditions kaya ipinatigil na ang race at nagpadala ng mas marami pang rescuers, ayon kay Zhang.


Aniya pa, “This incident is a public safety incident caused by sudden changes in weather in a local area.”


Ayon sa mga rescue teams, physical discomfort ang ikinasawi ng mga biktima dahil sa naranasang biglaang pagbaba ng temperatura. Ngayong araw nakita ang katawan ng mga nasawing runners dahil nahirapan ding magsagawa ng search operations dahil sa mababang temperatura sa lugar.


Ayon sa ulat, 172 katao ang dumalo sa naturang race kung saan 151 ang kumpirmadong ligtas at ang iba pa ay isinugod sa ospital matapos magtamo ng minor injuries. Nagpahayag din ng pakikiramay si Zhang sa pamilya ng mga nasawi sa insidente.

 
 

ni Ronalyn Seminiano Reonico | May 23, 2021




Isa ang patay habang isa rin ang sugatan sa pagguho ng bahagi ng construction site kung saan nagtatrabaho ang mga biktima sa Barangay Apas, Cebu City noong Sabado, ayon sa Cebu City Disaster Risk Reduction and Management Office (CCDRRMO).


Kaagad namang dumating ang mga search and rescue teams sa construction site ng Mivela Garden Residences of Cebu Landmasters at inabot umano ng 30 minuto bago makita ang mga biktima, ayon kay CDRRMO Chief for Administration Ramil Ayuman.


Nagpadala na rin umano ng work suspension ang Office of the Building Official (OBO) ng Cebu sa naturang construction site at pinaiimbestigahan na rin ang insidente.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page