ni Ronalyn Seminiano Reonico | March 2, 2021
Extended ang school year sa bansa para sa basic education level hanggang July 10, 2021, ayon sa Department of Education (DepEd) dahil sa COVID-19 pandemic.
Sa DepEd Order No. 012, s. 2021, nakasaad na isinusulong ang pag-extend ng school year dahil sa mga learning gaps sa mga estudyante sa implementasyon ng distance learning. Ito rin ang magiging daan umano upang magkaroon ng panahon ang mga guro para sa iba’t ibang learning delivery modalities.
Saad pa ni Briones, “These learning gaps are attributable to reduced academic opportunities at home and substantial loss of live contact with teachers.” Mula Marso 22, iniurong ng DepEd ang third grading period sa Mayo 15 at ang fourth quarter naman ay sa Hulyo 10 mula sa Mayo 17.
Magsasagawa ang mga paaralan ng intervention at remediation activities para sa mga estudyante mula Marso 1 hanggang 12. Saan pa ng DepEd, “These interventions and remediation activities shall be indicated in the two-week home learning plan to be prepared by the teachers, with the assistance of the assigned learning support aides (LSAs) as applicable.”
Dadalo naman sa professional development program ng DepEd ang mga guro sa Marso 15 hanggang 19. Pahayag din ng DepEd, “The additional two-week period shall be compensated by a similar adjustment in the school break between S.Y. 2020-21 and S.Y. 2021-2022.”
Sakop ng bagong polisiya ang mga pampublikong elementarya at sekondaryang paaralan sa buong bansa at hinihikayat din ang mga pampribadong eskuwelahan, technical and vocational institutions, at higher education institutions na nag-aalok ng basic education na ipatupad ang guidelines ng ahensiya ng pamahalaan.