ni Ronalyn Seminiano Reonico | February 15, 2021
Inaprubrahan na ng Supreme Court (SC) ang pagsasagawa ng digital Bar exams sa November matapos ang maayos na paglulunsad ng mock test noong nakaraang buwan.
Paglilinaw naman ni Office of the Bar Chairperson and SC Associate Justice Marvic Leonen, “Examinees will still walk into testing rooms and will be proctored while taking the exams. Surveillance cameras will also be installed in all testing rooms.
“Examinees will be assigned in testing centers in a locality closest to their residence or the school they graduated from, or for any other consideration. This determination shall depend on the final list of schools that would qualify as local testing sites.”
Pinapayagan pa rin umano ang pagsasagawa ng tradisyunal na handwritten examinations ngunit “very exceptional cases where it can be adequately proven that the examinee suffers from a physical disability that does not permit them to take the examinations through a computer.”
Kailangang magdala ang mga examinees ng WiFi-enabled laptops na mayroong integrated display screen, keyboard, at trackpad o pointer device.
Mahigpit ding ipatutupad ang health protocols sa mga testing rooms at magsasagawa rin ng COVID-19 testing.
Saad pa sa bulletin, “The Court will explore arrangements for a predominantly saliva RT-PCR testing modality in each of the testing sites.”
Iaanunsiyo naman ang mga certified testing sites bago magsimula ang application para makapag-take ng Bar exam.
Online na rin ang aplikasyon para sa naturang exam kaya hindi na kailangang pumunta ng mga mag-a-apply sa Office of the Bar Confidant, maliban na lamang kung kailangang magsumite ng mga dokumento.