top of page
Search

ni Lolet Abania | June 1, 2022



Nag-anunsiyo ang mga bansang Japan, Saudi Arabia at Israel na nangangailangan sila ngayon ng mga Pilipinong manggagawa para sa iba’t ibang industriya, kung saan ang alok nilang trabaho ay wala umanong placement fee.


Sa ulat, nasa 300 caregivers at 50 nurses ang alok na trabaho sa Japan. Sa Saudi Arabia naman, bukas sila sa pagtanggap ng 850 registered nurses at 50 midwives.


Habang sa Israel, aabot sa hanggang 2,000 home-based caregivers ang kanilang kailangan, na ang sahod ay katumbas sa halagang P77,000 kada buwan.


Gayundin, 60 hotel workers ang hinahanap ng Israel. Batay ang mga alok na trabaho sa programang “government to government” track, kung kaya hindi na kailangan pa ng placement fee. Gayunman, sa bagong tatag na Department of Migrant Workers (DMW) dapat na mag-apply ang mga interesadong manggagawa.


“Directly, they can go to our employment branch para mag-submit po sila ng kanilang mga application. Pero ang unang-unang process po is online application and then the rest of the procedure will follow,” paliwanag ni Career Executive Service Board ng government placement branch Atty. Rosemarie Duquez.


Ayon kay Israel Ambassador Ilan Fluss, nais ng gobyerno ng Israel ang mga Pinoy workers dahil sa taglay nitong likas na kasipagan sa kanilang mga trabaho.


“There is a lot of appreciation for the Filipino workers in Israel and hardworking, very loyal, and as you know caregiver is a very sensitive area in taking care of people,” pahayag ni Fluss. Sa mga nagnanais at interesadong mag-apply, maaari silang bumisita sa www.dmw.gov.ph.


 
 

ni Jasmin Joy Evangelista | February 14, 2022



Sampung libong overseas Filipino workers (OFWs) ang hindi makaalis ng Pilipinas dahil suspendido pa rin ang deployment ng household service workers sa Saudi Arabia.


Ayon ku Labor Secretary Silvestre Bello III, matatanggal lamang ang suspensiyon sa sandaling mag-issue na ng bagong guidelines sa deployment ng household service workers (HSWs) sa Saudi Arabia.


Matatandaang sinuspinde ng gobyerno ng Pilipinas ang verification contracts para mag-hire ng mga bagong HSWs matapos na mag-hire ng Saudi general ng ilang OFWs kahit pa blacklisted ang mga ito.


Itinigil din ng gobyerno ang deployment ng construction workers para sa mga bagong projects sa Saudi Arabia dahil hindi na-settle ng mga employer ang bayad sa back wages ng mga ito.


The government also stopped the deployment of construction workers for new projects in Saudi Arabia due to the failure of employers to settle the payment of back wages.

 
 

ni Jasmin Joy Evangelista | February 12, 2022


Kabilang ang isang Pinoy sa mga nasugatan sa naganap na drone attack sa Abha airport sa Saudi Arabia noong Huwebes, ayon sa Philippine Embassy in Saudi Arabia ngayong Sabado.


Hindi pinangalanan ng embahada ang nasabing Pilipino pero ipinagbigay-alam na nasa mabuti itong kalagayan at kasalukuyang ginagamot sa ospital at tinutulungan ng employer nito.


"Our team at the Philippine Consulate General in Jeddah has been in touch with the affected Filipino national to extend assistance," pahayag ng embahada.


Batay sa report ng Reuters, 12 katao ang nasugatan sa Abha airport matapos maharang ng air defenses ang shrapnel mula sa isang explosive-laden drone, kung saan nilalabanan ng Saudi-led coalition ang Houthi group na nakabase sa Yemen.


Nakikipag-ugnayan na rin anila ang embahada sa local authorities at Filipino community upang masiguro ang seguridad ng mga Pinoy na nasa Saudi Arabia.


Pinayuhan din ng embahada ang mga Pilipino na manatiling "vigilant, monitor security advisories."


Para sa anumang emergency, maaaring tumawag sa emergency hotlines ng embahada o ng Philippine Consulate General.


"We join the rest of the global community in calling for cessation of violence against civilians," pahayag pa ng embahada.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page