top of page
Search

ni Angela Fernando @World News | Nov. 30, 2024



Photo: Prince Mohammed bin Salman at si Israel Prime Minister Benjamin Netanyahu - FB, circulated


Itinigil na ng Saudi Arabia ang pagnanais nito para sa isang malawakang kasunduan sa depensa kasama ang United States (U.S.) kapalit ng normalisasyon ng relasyon sa Israel.


Sa kasalukuyan, inihihirit na nito ang mas simpleng kasunduan sa kooperasyong militar, ayon sa dalawang opisyal ng Saudi at apat na opisyal mula sa West na nakausap ng Reuters.


Magugunitang nu'ng unang bahagi ng taon, bilang bahagi ng pagsisikap na makamit ang malawakang kasunduan sa seguridad, nagpakita ang Riyadh ng paghina sa posisyon nito ukol sa pagtatatag ng estado ng Palestine.


Binigyang-diin nito sa Washington na maaaring sapat na ang isang pampublikong pangako mula sa Israel para sa solusyon sa dalawang estado upang ma-normalisa ang relasyon para sa Gulf kingdom.


Ngunit dahil sa matinding galit ng publiko sa Saudi Arabia at sa mas malawak na rehiyon ng Middle East laban sa mga aksyong militar ng Israel sa Gaza, muling iginigiit ni Crown Prince Mohammed bin Salman na ang pagkilala sa Israel ay magiging kondisyonal lamang kung gagawa ito ng konkretong hakbang para sa pagbuo ng isang estado ng Palestine.


Samantala, patuloy na nagnanais ang Israel Prime Minister na si Benjamin Netanyahu na makamit ang normalisasyon ng relasyon sa Saudi Arabia bilang isang makasaysayang tagumpay at patunay ng mas malawak na pagtanggap ng kanilang nasasakupan sa mundo ng mga Arabo.

 
 

Filni Angela Fernando - Trainee @News | November 3, 2023




Kasalukuyang binuksan ng Saudi Arabia ang isang kampanya ng pangangalap ng pondo para sa Gaza.


Pinamunuan ni Crown Prince Mohammed bin Salman ang pagsasakatuparan ng repormang pang ekonomiya at bahagi ang kanilang pangangalap ng pagsisikap ng kaharian na mabalense ang isyu patungkol sa Palestine.


Mula ng unang sumalakay ang Hamas nu'ng Oktubre 7, patuloy na binomba na ng Israel ang Gaza na pumatay sa 8,700 katao, kung saan karamihan sa mga ito ay kababaihan at mga bata.


Kinondena man ng pamahalaan ng Saudi Arabia ang mga pag-atake ng Israel sa Gaza, ang publiko naman ng Saudi ay tahimik sa sitwasyon dahil na rin sa kakulangan sa seguridad sa usaping may kinalaman sa pulitika.


Ang kanilang pangangalap ng pondo ay naging pagkakataon para sa kanilang residente na ipakita ang kanilang pakikiisa sa mga Palestino.


 
 

ni BRT @News | July 21, 2023




Kinumpirma ng Department of Migrant Workers (DMW) na isang overseas Filipino worker (OFW) sa Saudi Arabia ang nahatulan ng bitay.


Sa panayam kay DMW Undersecretary Hans Cacdac, nakikipag-ugnayan na umano sila sa Department of Foreign Affairs (DFA) kaugnay sa naturang kaso ng OFW na nasa death row.


Mayroon umanong hinihinging "blood money" ang pamilya ng biktima para hindi mabitay ang OFW na nagkakahalaga ng 30 milyong Saudi riyal.


Samantala, sa huling datos ng DFA, nasa 83 Pinoy sa iba't ibang bansa ang nasa death row o nasentensiyahan ng parusang kamatayan.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page