top of page
Search

ni Angela Fernando - Trainee @News | November 18, 2023




Nag-iwan ng 3 patay at 2 nawawala ang magnitude 6.8 na lindol na tumama kahapon, Nobyembre 17 sa lalawigan ng Sarangani.


Nangalap ng impormasyon ang mga lokal na awtoridad ng lalawigan isang araw matapos tumama ang lindol na sumira sa maraming imprastraktura at kabahayan.


Ayon sa ulat ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office Republic (PDRRMO), tatlong tao sa lalawigan ang namatay sa lindol.


Isa sa mga ito ay mula sa bayan ng Malapatan at dalawa ay mula sa bayan ng Glan.


Nakatutok naman ang awtoridad sa mga operasyon ng paghahanap sa isang bata at isang babae na natabunan ng gumuhong lupa sa sariling bahay sa Brgy. Munda.


Kasalukuyang merong mga sundalo, pulis, MDRRMO, at iba pa ang nasa lugar para makapagbigay ng tulong sa mga apektado ng tumamang lindol.


 
 

ni Angela Fernando - Trainee @News | November 18, 2023




Umabot sa 1,800 emergency personnel ang ipinadala ng Department of Interior and Local Government (DILG) sa bahagi ng Mindanao upang makapagbigay ng tulong sa mga biktima ng magnitude 6.8 na lindol.


Sa isang pahayag ngayong Sabado, kinumpirma ng DILG na inatasan na ang mga kinauukulang ahensya para maghatid ng tulong na kakailanganin ng mga naapektuhan ng lindol.


Dagdag ng ahensya na binigyang direktiba na ang Bureau of Fire Protection upang tingnan ang naging resulta ng malakas na lindol at magbigay ng tulong medikal sa mga apektado.


Kasalukuyang umabot sa 292 bumbero, 17 ambulansya, at 9 na rescue truck ang ipinadala para sa mga biktima.


Matatandaang tumama ang lindol sa rehiyon ng Davao bandang 4:00 ng hapon ng Nobyembre 17.


 
 

ni Lolet Abania @News | January 29, 2023


Niyanig ng magnitude 5.0 na lindol ang Sarangani ngayong Linggo ng hapon, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS).


Alas-12:23 ng hapon, naitala ang tectonic na lindol na ang epicenter ay matatagpuan sa layong 05.65°N, 125.29°E - 021 km S 28° E ng munisipalidad ng Glan.


Habang may lalim itong 27 km. Naramdaman ang Intensity III sa Jose Abad Santos, at Sarangani, Davao Occidental; Glan, Sarangani; General Santos City. Intensity II ang naitala sa Don Marcelino, at Malita, Davao Occidental; Alabel, Kiamba, ar Malapatan, Sarangani; Polomolok, South Cotabato.


Ayon pa sa ahensiya, wala namang inaasahang pinsala matapos ang pagyanig subalit posibleng magkaroon ng mga aftershocks. Unang nai-report ng PHIVOLCS ang lindol na magnitude 4.7, subalit in-update rin ng ahensiya ang kanilang bulletin na naitalang magnitude 5.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page