ni Angela Fernando - Trainee @News | February 28, 2024
Lumipad na patungong Canberra, Australia si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., nitong umaga ng Miyerkules para magbigay ng pahayag sa Australian Parliament para sa naging imbitasyon ni Gov-Gen. David Hurley.
Matatandaang bumisita bilang kinatawan ng Australia si Hurley sa 'Pinas sa dinaluhang inagurasyon ni Marcos nu'ng 2022.
Nilinaw ng Pangulong umaasa siyang magkakaroon ng matibay na relasyon ang bansa at ang Australia na umabot na sa 70 taon.
Layon din ni Marcos na palakasin pa ng dalawang bansa ang depensa at seguridad sa gitna ng kanilang lumalawak na relasyon.
Ayon kay Pres. Marcos, ang kanyang pagbisita ay maaaring maging daan upang mapalawak ang kooperasyon ng Australia matapos ang naganap na pirmahan ng tatlong kasunduan.
Itinalaga naman ng presidenteng Officer-in-charge ang bise presidenteng si Sara Duterte habang nasa Australia pa si Marcos.