ni Jasmin Joy Evangelista | February 26, 2022
Ide-deploy sa Samar ang 230 pulis upang masiguro ang mapayapa at maayos na eleksiyon sa Mayo.
Ayon kay Brigadier Gen. Bernard Banac, director for the Eastern Visayas region, ipapadala ang mga pulis simula Marso 1. Mananatili sila roon hanggang matapos ang election period.
“We will deploy an additional number of policemen in Samar just to ensure that the conduct of the national and local elections will be safe, orderly, and peaceful,” ani Banac.
“So as much as possible, we don’t want any untoward incident to take place between now and until the election period is over,” dagdag niya.
Ayon sa regional police director, ang karagdagang police force na manggagaling sa regional headquarters ay tutulong upang maiwasan ang mga untoward incidents.
Sinabi rin ni Banac na susuportahan nila ang anumang inisyatibo para sa kapayapaan sa Samar at iba pang parte ng rehiyon.