top of page
Search

ni Lolet Abania | October 5, 2021



Nasa kabuuang 43,332 pampubliko at pribadong establisimyento ang naisyuhan na ng safety seal certifications sa buong bansa, ayon sa national agencies ngayong Martes.


Sa isang joint statement, hinimok ni Department of Trade and Industry (DTI) Secretary Ramon Lopez ang iba pang mga negosyo na i-adopt na rin ang naturang seal bilang bahagi ng paglaban ng industriya sa COVID-19.


Ang safety seal ay patunay na ang isang establisimyento ay sumusunod sa minimum public health standards kontra-COVID-19.


“Businesses can do their share in the fight against the pandemic and create a healthy space for consumers to transact their purchases and for employees to gainfully and safely earn a living,” ani Lopez.


Sa kasalukuyan, nakatanggap ang Safety Seal Technical Working Group ng 85,731 aplikasyon, kung saan 43,332 applications ang naaprubahan na habang ang 9,858 applications, ilan dito ay denied o ini-refer sa naaangkop na ahensiya.


Ang natitira namang aplikasyon ay patuloy pang iniinspeksyon.


Para sa mga establisimyento na naghahangad na mag-apply para sa safety seal, kinakailangang i-adopt ang StaySafe.PH o anumang local government unit (LGU)-mandated digital contact tracing application at magpatupad ng minimum health standards laban sa virus.


“The implementation of the Safety Seal Program is a very laudable initiative that highly reinforces our country’s response to combat COVID-19,” ayon kay Department of Health (DOH) Secretary Francisco Duque III said.


“As we gradually reopen our economy, it is important to ensure that our people are safe, and adherence to Minimum Public Health Standards is one vital key to this aspect,” dagdag pa ni Duque.

 
 

ni Ronalyn Seminiano Reonico | June 11, 2021



Maaari nang magpatuloy ang operasyon ng mga indoor non-contact sports katulad ng gyms, fitness studios, skating rinks, at racket sports courts na mayroong Safety Seal Certification mula sa Department of Trade and Industry (DTI) sa 30% venue capacity sa NCR Plus, ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque ngayong Biyernes.


Pinayagan na rin ng pamahalaan ang pagbubukas ng mga historical sites at museums sa NCR Plus na binubuo ng Metro Manila, Bulacan, Cavite, Laguna at Rizal sa 20% venue capacity at mahigpit pa ring ipinatutupad ang mga health and safety protocols, ayon kay Roque.


Ang pagbubukas din umano ng mga historical sites at museums ay kailangan pa rin ng approval ng local government units na nakasasakop sa mga ito.


Samantala, ayon din kay Roque, bawal pa ang mga guided tours sa mga historical sites at museums.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page