top of page
Search

ni Jasmin Joy Evangelista | February 28, 2022



Mananatili pa rin ang mandato ng Department of Trade and Industry sa business establishments na magkaroon ng safety seal certification kahit nasa Alert Level 1 na ang isang lugar.


Ang safety seal ay patunay na sumusunod ang establisimyento sa minimum public health standards na itinatakda ng pamahalaan.


Kung may safety seal na ang isang establisimyento, maaari pa rin itong makansela kung mahuhuli itong lumalabag sa mga panuntunan sa Alert Level 1.


“The establishments will need to follow also ‘yung safety seal protocols natin," ani Trade Undersecretary Ruth Castelo.


"Makikita ng consumers na ‘yung mga establishments na merong certification, sigurado sila na sumusunod ‘yung establishment na ‘yun at magiging kumpiyansa sila na safe sila," dagdag niya.


Samantala, narito ang mga lugar na isinailalim ng Inter-Agency Task Force (IATF) sa Alert Level 1 simula March 1-15:


Luzon

*    Abra

*    Apayao

*    Baguio City

*    Kalinga

*    Dagupan City

*    Ilocos Norte

*    Ilocos Sur

*    La Union

*    Pangasinan

*    Batanes

*    Cagayan

*    City of Santiago, Isabela

*    Quirino

*    Angeles City

*    Aurora

*    Bataan

*    Bulacan

*    Olongapo City

*    Pampanga

*    Tarlac

*    Cavite

*    Laguna

*    Marinduque

*    Puerto Princesa City

*    Romblon

*    Naga City

*    Catanduanes


Visayas

*    Aklan

*    Bacolod City

*    Capiz

*    Guimaras

*    Siquijor

*    Biliran


Mindanao

*    Zamboanga City

*    Cagayan de Oro City

*    Camiguin

*    Davao City

 
 

ni Lolet Abania | February 10, 2022



Mahigit sa 1,500 safety seal certificates na ang nailabas ng Department of Tourism (DOT) para sa mga DOT-accredited tourism enterprises.


Sinabi ni DOT director Virgilio Maguigad, may kabuuang 1,612 tourism enterprises ang nag-apply para sa safety seals, kung saan 1,582 dito ang naaprubahan.


Aniya, may 30 aplikasyon naman ang pinoproseso pa at ini-evaluate nila.


“This particular safety seal issued by the DOT is valid up to 1 year upon which it’s linked to the accreditation. Once their accreditation expires or is due for renewal, they would have to be evaluated again,” pahayag ni Maguigad sa DOH Kapihan ngayong Huwebes.


Ayon kay Maguigad, ang National Capital Region, Region VI, at Region IV-A, ang nakapag-isyu ng may pinakamataas na bilang ng safety seals certificates na 264, 168, at 161, batay sa pagkakasunod.


Samantala, may kabuuang 317,892 o 92.51% ng mga tourism workers ang bakunado na kontra-COVID-19 sa buong bansa, kung saan target ng DOT na mabakunahan ang 349,543 manggagawa.


“NCR has the highest number of tourism workers vaccinated, followed by Region V, and Region III,” ani opisyal.


Binanggit din ni Maguigad na lahat ng tourism workers sa Baguio City, Aurora, Coron, El Nido, Puerto Princesa, San Vicente, Mandaue City, at Camiguin ay bakunado na laban sa COVID-19.


“Of course, booster shots are also on the pipeline for these tourism markers,” dagdag pa niya.


Ayon naman sa Department of the Interior and Local Government (DILG), ang DILG at ang local government units (LGUs) ay nakapag-isyu na ng kabuuang 59,139 safety seals.

 
 

ni Jasmin Joy Evangelista | November 21, 2021



Patuloy pa rin ang ebalwasyon ng Department of Trade and Industry (DTI) para sa mga establisimyentong nag-a-apply para sa safety seal.


Hindi umano tumigil ang DTI sa pagsusuri sa mga establisimyento para makapagbigay ng seal sa mga compliant sa health standard.


Kabilang sa mga kuwalipikasyon ay ang pagiging bakunado ng mga empleyado, pagkakaroon ng screening area sa COVID symptoms at contact tracing forms o QR code database.


Paliwanag ni Trade Sec. Ramon Lopez, kabilang ang dami ng mga may safety seal sa basehan para ibaba ang alert level status sa isang lugar.


Makakatulong din ang pagkakaroon ng safety seal para mapayagan pa ang dagdag na 10% occupancy.


Nakakatulong din ito para magkaroon ng tiwala ang mas maraming customers sa isang restaurant, salon at iba pang puwesto na nagbibigay ng serbisyo.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page