top of page
Search

ni Lolet Abania | March 18, 2021




Binigyan na ng emergency use authorization (EUA) ng Pilipinas ang Sputnik V COVID-19 vaccine ng Russia.


Sa late stage trial results, napag-alamang 91.6% effective ang Sputnik V, ayon kay Food and Drug Administration (FDA) Director-General Eric Domingo.


Saad pa ni Domingo, "Based on the totality of evidence available to date, including data from adequate and well-known controlled trials, it is reasonable to believe that the Gamaleya National Center of Epidemiology and Microbiology Sputnik V Gam-Cov-Vac COVID-19 vaccine may be effective to prevent COVID-19.”


Aniya pa, "The adverse events reported were mostly mild and transient, similar to common vaccine reactions. No specific safety concerns were identified.”


Samantala, aabot sa 3 million doses ng Sputnik V COVID-19 vaccine ang inorder ng Pilipinas matapos itong mabigyan ng EUA, ayon kay Vaccine Czar Secretary Carlito Galvez, Jr. ngayong Biyernes.


Saad ni Galvez, “We will have a meeting this coming Tuesday. And our initial request is for them to deliver more or less three million doses this coming April [and] May.


“We also have an ongoing negotiation with them to allow LGUs (local government units) to buy the vaccine.” Ang Sputnik V ay two-dose vaccine matapos ang tatlong linggo at ang mga edad 18 pataas lamang ang maaaring mabakunahan nito.


 
 

ni Ronalyn Seminiano Reonico | March 7, 2021




Binakunahan na kontra-COVID-19 si Venezuelan President Nicolas Maduro at ang asawa nitong si Cilia Flores ng Russian Sputnik V vaccine noong Sabado.


Noong February 18 sinimulan ng Venezuela ang pagbabakuna sa mga health workers gamit ang Sputnik V matapos nilang matanggap ang tinatayang aabot sa 100,000 doses nito.


Nakatanggap din ang naturang bansa ng 500,000 doses ng Chinese-made Sinopharm vaccine na nakatakdang umpisahang gamitin sa Lunes.


Nagpa-reserve na rin ang Venezuela ng AstraZeneca vaccines na aabot sa 1.4 million doses.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page