top of page
Search

ni Jenny Rose Albason (OJT) | March 25, 2023




Nagbanta ang dating pangulo ng Russia na si Dmitry Medvedev na maaaring ikonsidera ng Moscow ang deklarasyon ng giyera, kung tatangkain na arestuhin si Russian President Vladimir Putin.


Maituturing umano ito na deklarasyon ng giyera laban sa Russian federation kung sakaling pupunta ang kasalukuyang head ng nuclear state sa Germany at doon aarestuhin.


Ayon kay Medvedev, maaari itong maging dahilan ng pagpapadala ng mga rockets patungo sa German federal parliament na Bundestag, sa Chancellor’s Office.


Ginawa umano ng dating Russian leader ang kanyang pahayag matapos na mag-isyu ng warrant of arrest ang International Criminal Court (ICC) laban kay Putin, kaugnay ng pagpapa-deport ng mga batang Ukrainian nationals patungong Russia.


 
 

ni BRT | March 21, 2023



Naniniwala ang mga mambabatas na posible ring isyuhan ng warrant of arrest ng International Criminal Court (ICC) si dating Pangulong Rodrigo Duterte kaugnay ng madugong drug war sa ilalim ng kanyang administrasyon.

Una nang ipinaaaresto ng ICC si Russian President Vladimir Putin dahil sa war crimes sa Ukraine.

“Hindi miyembro ng ICC ang Russia pero nagawa ng ICC na maglabas ng desisyon laban sa war crimes in Russian President Vladimir Putin. Ibig sabihin, puwedeng-pwede talaga na imbestigahan din ng ICC ang mga krimen ni dating Pangulong Rodrigo Duterte kahit na inalis niya ang Pilipinas bilang miyembro ng ICC para makatakas sa pananagutan.


Kawawa naman ang mga biktima ng madugong giyera kontra droga at iba pang krimen sa ilalim ng administrasyong Rodrigo Duterte kung hindi siya maipapaharap sa anumang korte sa loob o labas ng bansa,” pahayag ni Kabataan Rep. Raoul Manuel.

Ito rin ang apela ng mga biktima at pamilya, ang imbestigahan at arestuhin si Duterte dahil sa hindi naman umano seryoso ang ginagawang imbestigasyon sa war on drugs sa bansa.


 
 

ni Ronalyn Seminiano Reonico | June 13, 2021




Binati ni Pangulong Rodrigo Duterte si Russian President Vladimir Putin para sa okasyon ng Russia Day noong June 12. Mensahe ni P-Duterte kay Putin, “I warmly congratulate Your Excellency and the people of the Russian Federation on the occasion of Russia Day.


“On this day of national unity and celebration, let me convey the Filipino people’s best wishes for the continued success and prosperity of your great nation.”


Umaasa rin umano si P-Duterte na magpapatuloy pa at mas magiging matatag ang relasyon ng Russia at Pilipinas sa panunungkulan ni Putin.


Saad pa ni P-Duterte, “This year, the Philippines and Russia mark 45 years of warm and fruitful ties. It was my great pleasure to have commemorated this special milestone with Your Excellency on the 2nd of June.


“I am confident that our strong relations will continue to thrive in the years ahead as we deepen cooperation in more areas of mutual interest, including in our common fight against the COVID-19 pandemic.”


 
 
RECOMMENDED
bottom of page