ni Mabel Vieron @Overseas News | July 9, 2023
Itinuring ng Russia na isang desperadong hakbang ang pagbibigay ng U.S. ng mga cluster munitions sa Ukraine.
Ayon kay Russia’s Ambassador Belarus Boris Gryzlov, nagpapakita lamang ito na bigo na ang Ukraine sa ipinapatupad nilang depensa.
Dagdag pa, kapag itinuloy umano ng U.S. ang pagtulong sa Ukraine, ito ay nagpapakita lamang na ayaw nila ng kapayapaan.
Ang cluster bombs ay isang maliit na lata na may laman ng ilang daang maliit na bomba o kilala rin bilang submunitions.
Mula noong lusubin ng Russia ang Ukraine ay kapwa na silang gumagamit ng cluster bombs.
Ang cluster bombs na gamit ng Ukraine ay bigay pa umano ng Turkey.