top of page
Search

ni Angela Fernando - Trainee @News | March 2, 2024




Dumagsa ang libong mga Russians sa libing ng kritiko ni Pres. Vladimir Putin na si Alexei Navalny.


Kasama sa mga dumalo ang mga foreign diplomats at magulang ng kritiko.


Hindi naman nakadalo ang asawa ni Navalny na si Yulia Navalnaya na kasalukuyang nasa ibang bansa dahil sa takot na maaresto matapos ang kanyang mga akusa kay Putin sa nangyari kay Alexei.


Nagkalat ang mga kapulisan sa lugar ng libingan ni Alexei at 45 katao ang naaresto dahil sa pagpupumilit na makalapit sa libingan ni Navalny.

 
 

ni Angela Fernando - Trainee @News | February 25, 2024




Naibigay na sa ina ng Russian opposition leader na si Alexei Navalny ang katawan nito, ayon sa post ng kanyang spokesperson na si Kira Yarmysh.


Pinasalamatan din nito ang mga taong inilabang makalabas na ang katawan ni Navalny sa kulungan.


Hindi pa naman tinutukoy ng pamilya ni Navalny ang mga detalye tungkol sa funeral arrangements nito.


Ibinulgar din ng ina ni Navalny na si Lyudmila Navalnaya na pinipilit siyang gawing sikreto ang libing ng kanyang anak ng mga Russian investigators.


Pagbabahagi niya, tinatakot sila ng ilang otoridad na sa kulungan ililibing si Navalny kapag hindi nila pinakinggan ang nasabing kondisyon.


Matatandaang namatay nu'ng ika-16 ng Pebrero sa kulungan si Navalny na naging dahilan para isisi ng ibang world leaders gaya ng Presidente ng UK at US kay President Vladimir Putin ang nangyari.


 
 

ni Angela Fernando - Trainee @News | December 9, 2023




Nakauwi na sa 'Pinas nitong Biyernes ang 8 Pinoy na crew members sa barkong Kmax Ruler, na tinamaan ng isang Russian missile nu'ng Nobyembre.


Mainit ang naging pagsalubong sa mga OFW sa Ninoy Aquino International Airport ng Department of Migrant Workers (DMW).


Ayon sa DMW, "With their arrival, all 25 Filipino crew members of the ill-fated Kmax Ruler, which was damaged in a Russian missile attack at the Ukrainian port of Pivdennyi in the Black Sea, are back in the country."


Matatandaang nakarating nu'ng Nobyembre 25 ang unang batch ng repatriates na nasundan ng grupo ng 14 na OFW nu'ng Disyembre 2.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page